top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Pacquiao na dating mahirap, may ‘K’ sa National Anti-Poverty Commission

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 10, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


VP SARA RUMESBAK NA, BINATIKOS ANG MARCOS ADMIN SA ISYU NG BAHA AT TALAMAK NA KORUPSIYON — Tatlong araw matapos mag-bail ni Vice Pres. Sara Duterte sa 3-count na kasong grave threat noong Sabado, kamakalawa nang inatake naman ng Bise ang kawalan ng solusyon ng Marcos administration sa baha at talamak na korupsiyon sa gobyernong Marcos.


Ibig sabihin, dahil sa ginawang pagsasampa ng kaso kay VP Sara, ay asahan na ng gobyernong Marcos ang resbak ng Bise Presidente, na dadalas-dalasan na nito ang pag-atake sa pamahalaang pinamumunuan ni President Ferdinand Marcos Jr., abangan!


XXX


SA ‘PINAS, MAY MAS POWERFUL PA KAYA SA GOBYERNO? — Sablay ang sinabi ni Sec. Jonvic Remulla ng Department of Interior and Local Government (DILG) na natunton na raw nila ang pinagtataguan ni Sen. Ronald dela Rosa na nahaharap sa kasong crimes against humanity, at sa ngayon daw ay nakikipagnegosasyon sila sa mga "powerful people" na nagkakanlong sa senador.


Kaya natin nasabing sablay kasi sa lahat ng bansa sa mundo, ang pinaka-powerful ay ang administrasyon ng gobyerno, pero sa tinuran ni Sec. Remulla ay waring mas powerful pa ang mga nagkakanlong kay Sen. Dela Rosa kaysa sa Marcos administration, tsk! 


XXX


MATAPOS KASUHAN NG PLUNDER AT ISYUHAN NG WARRANT OF ARREST SI CONG. ROMUALDEZ, SI CONG. PULONG DUTERTE NA KAYA ANG NEXT? — Ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Davao City 1st Dist. Rep. Paolo Duterte para imbestigahan sa P1.9 billion na maanomalyang flood control projects sa lungsod, kung saan ang lahat ng ganitong uri ng proyekto ay tanging ang Genesis88 Construction Inc. lang umano ang nakakopo.


Naku, dapat masagot nang tama ni Cong. Pulong ang lahat ng katanungan ng NBI kasi kung makakakita ng "butas" ang bureau ay baka makasuhan din siya ng plunder at siya na ang next na maisyuhan ng warrant of arrest ng Sandiganbayan, abangan!


XXX


DAHIL DATING MAHIRAP SI MANNY PACQUIAO KAYA'T MASASABING PANALO ANG MGA MARALITA SA PAGKAKATALAGA SA KANYA BILANG KALIHIM NG NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION — Itinalaga ni PBBM si boxing idol, former Sen. Manny Pacquiao bilang kalihim ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).


Panalo ang mga maralita sa pagkakatalaga kay Pacquiao sa NAPC kasi ang dating senador ay nagmula sa hirap. Ramdam niya ang buhay-mahirap kaya't tiyak gagawa ito ng mga polisiya na makakatulong para maiahon sa kahirapan ang mga maralitang Pinoy, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page