Pac-May 2 inilipat sa Setyembre sa MGM Grand
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 11, 2026

Photo: Netflix
Matapos ianunsyo ang paglayo sa The Sphere sa Las Vegas ng inaantabayanang makasaysayang rematch sa pagitan nina unbeaten Floyd “Money” Mayweather at nag-iisang eight-division titlist Manny “Pacman” Pacquiao, panibagong petsa naman sa Setyembre 26 ang nakikitang paggaganapan sa ilalim pa rin ng Netflix.
Ayon sa report na inilabas ng Boxingscene, inihayag ng dalawang opisyal na malapit sa negosasyon, na nakikita nilang gaganapin ang malaking rematch sa pinagganapan sa unang paghaharap sa MGM Grand Garden Arena, mismo pa rin sa Las Vegas, Nevada. “Both camps had agreed already on all the conditions,” ayon sa isang opisyales sa panayam ng Boxingscene.
Mayroong nakalatag na concert sa The Sphere, na pagmamay-ari ng Madison Squarer Garden, sa Setyembre 19 na katatampukan ng legendary band na Eagles, kaya’t ito ang isa sa naging dahilan upang ilipat ang laban, kung saan unang nakalatag ang bakbakan sa parehong petsa.
Isa pa sa mga tinitingnang kadahilanan ay ang maitulak ang karagdagan pag-aalok ng mga pakete ng tiket sa mga high-roller na manunugal sa maraming property nito sa kahabaan ng The Strip, ang MGM ay regular na nagsasagawa ng mga fight-week event para sa madalas nitong pagtakbo ng mga high-profile boxing card tulad ng Cinco de Mayo weekend card na ginanap sa T-Mobile Arena.
Mahigit 11- taong inabangan ang malaking rematch na naunang nasilayan nung Mayo 2, 2015 na binansagang “Battle for Greatness” o “Fight of the Century” na ginanap sa jampacked na MGM Grand, kung saan lumikha ng kasaysayan pagdating sa pay-per-view at kabuuang kinita sa pandaigdigang kinita.
Nagawang magbalik sa professional bout si Pacquiao, matapos magretiro nung Agosto 2021, para magbalik laban para sa World Boxing Council (WBC) welterweight title kontra Mario “El Azteca” Barrios na nauwi naman sa majority draw nung Hulyo 20, 2025 sa sold-out na MGM Grand sa Las Vegas.





Comments