top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &
Search

by Gerard Arce @Sports News | August 29, 2026



Suarez, maghihintay ng 180 days sa winner ng Navarrete vs Foster sa Oktubre

Photo: Circulated



Muling magtyatyagang mag-abang para sa inaantay na rematch si Olympian at unbeaten pro boxer Charly “The King’s Warrior” Suarez sa magwawagi sa unified title match sa pagitan nina World Boxing Organization (WBO) at International Boxing Federation (IBF) super-featherweight titlis Emanuel “Vaquero” Navarrete ng Mexico at World Boxing Council title holder O’Shaquie Foster.


Kasunod ng panibagong kautusan at kondisyon na inilabas ni WBO President Gustavo Olivieri na naglalaan ng 180 days sa mananaig sa unification match sa pagitan nina Navarreta at Foster sa Oktubre 24 na gaganapin sa Frost Bank Center sa San Antonio, Texas sa Estados Unidos.


"Please be advised that the WBO World Championship Committee has unanimously approved an exception allowing WBO Jr. Lightweight Champion Emanuel Navarrete to pursue the WBO/IBF/WBC Unification Championship against O’Shaquie Foster prior to discharging his mandatory obligation,” ayon sa statement na inilabas ng WBO.


“As a condition of this approval, the winner must next face the WBO Mandatory Challenger within 180 days following the Unification Championship Contest.” Kahit naman hindi nagustuhan ng kampo ni Suarez ang naturang hakbang, patuloy na lamang silang maghahanda at magkaroon ng patuloy na aktibidad ang 37-anyos na 2016 Summer Olympian at mandatory challenger.


“Ganun ang boxing. Kailangan mahabang Pasenya mo dito. Politics ang boxing,” pahayag ng head trainer at manager ni Suarez na si Delfin Boholst sa panayam ng Bulgar Sports. “Need lang namin activity para hindi kalawagin sa pag lumaban. Sayang lang dahil pinapa tanda talaga nila si Charly.”


Matatandaang nauwi sa kontrobersyal na matchup noong Mayo 10, 2025 kasunod ng technical decision pabor sa Mexican boxer, na kinalauna’y napagdesisyunang gawing ‘No Contest’ ng California State Athletic Commission (CSAC) matapos ang maling desisyon na accidental headbutt ni referee Edward Collantes.


Huling beses sumabak si Suarez kontra Manuel “Tino” Avila nitong Hulyo 18 na nagtapos sa first round technical knockout upang makuha ang WBO International junior-lightweight title sa ProBoxTV co-main event sa National Orange Show Events Center sa San Bernardino, California sa Estados Unidos.

 
 

by Gerard Arce @Sports News | August 28, 2026



Eumir Marcial - FB

Photo: Eumir Marcial - FB



Magdedepende sa takbo at kalalabasan ng laban sa professional bout ni two-time Olympian boxer Eumir Felix Marcial kung tutuloy ito sa pagsagupa sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa pagsisimula ng boxing match sa Setyembre 21.


Aminadong hindi magiging madali ang makakatapat ng 2020+1 Tokyo Olympics bronze medalist sa katauhan ni American knockout artist Omar Ulises “La Bala” Huerta, na paniguradong gigil na makabawi sa 10-round unanimous decision pagkatalo nitong Abril 11 kontra kay Vito Mielnicki Jr. para sa bakanteng WBC Continental, WBO Global at IBF USBA middleweight title belt.


Abala sa pagrepaso at pagpapaganda ng depensa ang inuusisa ng training camp ng 30-anyos na tubong Zamboanga City sa ilalim ni national team coach at dating Olympian boxer Reynaldo Galido, katuwang si coach Joven Jimenez sa Las Vegas, Nevada, sa Amerika.  


“If maganda ang kalalabasan ng laro namin, hahabol kami, pero kung medyo madugo, ‘di na kami lalaro, kasi matibay din ang kalaban namin at medyo alanganin na rin sa araw kasi 21 ang start ng laro,” pahayag ng 1996 Atlanta Olympian sa mensahe sa Bulgar Sports, kung saan nakatakdang magsimula ang light-heavyweight fight sa Setyembre 23 sa Nishio City General Gymnasium sa Aichi Prefecture.  


Tinukoy ni Galido ang pagpapatibay ng depensa at pagsasa-ayos sa pagpino ng galaw ng unbeaten middleweight campaigner, na idedepensa ang kanyang World Boxing Council (WBC) International title belt, habang kinakailangang maging impresibo sa harap ng American audience upang mapanatiling paangat ang karera sa larangan at matumbok ang isang world title fight sa hinaharap.


“Sa ngayon, may mga game plan naman na kami na ginagawa para sa kalaban niya. Medyo may katangkaran, nasa 6-foot-1 yung taas. Kaya focus kami sa head movement niya sa defense,” pagbubunyag ni Galido.


“Kasi sa mga previous fight niya, nasisingitan siya ng mga biglaang suntok, so kailangan naming mabago ’yon. Basta sabi ko sa kanya sure ball lagi ang galaw kasi split second lang na magkamali ka boom tapos na,” dagdag ng 1994 Hiroshima Asian Games gold medalist patungkol sa dalawang knockdown kontra Venezuelan knockout puncher Eddy “El Terrible” Colmenares, na natakasan ni Marcial sa bisa ng 10-round majority decision panalo sa ginanap na Thrilla in Manila II noong Oktubre 29, 2025 sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.


Sa kabilang banda, patuloy na hinahanap ni Marcial ang gintong medalya sa Asian meet matapos kapusin sa silver medal sa nakalipas na 2022 Hangzhou Games kontra kay Chinese boxer Tuohetaerbieke Tanglatihan sa light-heavyweight division, habang bronze medal naman sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa men’s middleweight (under-75 kg) category.

 
 

by Gerard Arce @Sports News | August 24, 2026



Eumir Marcial World Boxing Council (WBC) International middleweight title belt laban kay American knockout artist Omar Ulises “La Bala” Huerta sa Setyembre 19 sa undercard ng DAZN Premier Boxing Champions (PBC)

Photo: DAZN Premier Boxing Champions (PBC)



Lumabo ang tsansang sumabak sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games si 2-time Olympic boxer Eumir Felix Marcial dahil naghahanda sa ika-walong salang sa professional fight at maaring maipagtanggol ang World Boxing Council (WBC) International middleweight title belt laban kay American knockout artist Omar Ulises “La Bala” Huerta sa Setyembre 19 sa undercard ng DAZN Premier Boxing Champions (PBC) event àsa Pechanga Arena sa San Diego, California.


Puspusan na ang pagsasanay niya sa ilalim ni national team coach at dating Olympian boxer na si Reynaldo Galido at coach Joven Jimenez sa Las Vegas na masasagupa ang mainit na Mexican-American boxer, na gigil makabawi sa 10 round unanimous decision na pagkatalo noong Abril 11 kontra Vito Mielnicki Jr. para sa bakanteng WBC Continental, WBO Global at IBF USBA middleweight title belt.


Masusubok ang tunay na katatagan at lakas ni Marcial kontra Huerta, na huling nakita ang tibay ni Venezuelan knockout puncher Eddy “El Terrible” Colmenares sa 10-round majority decision panalo sa Thrilla in Manila II noong Oktubre 2025 sa Araneta Coliseum.


Patuloy na hinahanap ni Marcial ang gintong medalya sa Asian meet nang kapusin sa silver medal noong 2022 Hangzhou Games kontra kay Chinese boxer Tuohetaerbieke Tanglatihan sa light-heavyweight division, habang bronze sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games sa men’s middleweight (under-75kgs) category.   


Aminado si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) President Marcus Jarwin Manalo, na kinakailangang pagtuunan muna ng pansin ni Marcial ang pro-career, bago nito tutukan ang misyon sa amateur fight, higit na ang 2028 Los Angeles Olympics.


Minsang inamin ni Manalo na nauna ng nakapag-commit si Marcial sa Asian Games, pero natiyempo sa iskedyul ng pro-fight, kaya hahanap ang ABAP ng kahalili sa Asiad ng tubong Zamboanga City.


“Eumir and Weljon will be in the same weight class sa Asian Games (80kg). Walang 75kg (it's 70, 80, 90). Prior to this, Eumir has previously committed to the Asian Games, but Weljon will always be welcome to try out for a spot,” saad ni Manalo sa mensahe sa Bulgar Sports.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page