top of page

P7 dagdag-singil sa kuryente, napigil ng DOE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 33 minutes ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | May 6, 2026



Energy Secretary Sharon Garin - Department of Energy Philippines

Photo: Energy Secretary Sharon Garin - Department of Energy Philippines



Napigil ng Department of Energy (DoE) ang pagtaas ng P7 sa presyo ng kuryente. 

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, bunsod ito ng kanilang mga inisyatibo bilang kanilang pangunahing mandato.


Aniya, mapabababa pa ang singil kung aalisin ang value-added tax (VAT) nito.

Subalit diin ng Kalihim, kailangang pag-aralang maige ang panukalang VAT removal para matukoy kung ikabubuti ito ng buong bansa. 


Bagama’t suportado, sinabi ni Garin na hindi ang DoE ang magdedesisyon nito kundi ang Economic managers at Kongreso dahil may mas malawak itong epekto sa ekonomiya.


Kailangan kasi aniyang masiguro na balanse ang mababang electricity costs sa ibinibigay na serbisyo-publiko ng gobyerno.


Nitong Lunes, naghain si Senadora Risa Hontiveros ng Senate Bill 2076 na layong alisin ang VAT sa electricity systems loss na kasalukuyan nating pinapasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page