top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg

P7.2T 2027 national budget, huwag sana gawing gatasan ng mga pulitiko

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 2, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SOBRANG HIRAP NA NG BUHAY NG MGA PINOY SA MARCOS ADMIN – Dahil sa muling pagsiklab ng digmaan sa Middle East sa pagitan ng Amerika at Iran, posible umanong madagdagan ng P27.50 ang presyo ng bawat 11kilong tangke ng LPG sa bansa.


Dapat gumawa ng hakbang ang administrasyong Marcos upang hindi umabot sa ganito kalaki ang madagdag sa presyo ng bawat tangke ng LPG.


Nahihirapan na nga ang mamamayan sa ilalim ng administrasyong Marcos dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong pagkain, tapos pati ang ginagamit sa pagluluto ay lalo pang magmamahal. Tsk!


XXX


PAREHONG MABUBULOK SA KULUNGAN ANG MAG-INANG SEN. LOREN AT CONG. LEVISTE KAPAG HINDI NILA NALUSUTAN ANG KASONG PLUNDER – Inanunsyo ng Office of the Ombudsman na inihahanda na ng kanilang tanggapan ang kasong plunder na isasampa laban kina Sen. Loren Legarda at Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste kaugnay ng umano'y P10 bilyong "ghost electricity."


Ayon kay Ombudsman Boying Remulla, may kaugnayan umano ito sa solar franchise na naipagkaloob kay Cong. Leviste sa tulong ng kanyang ina. Gayunman, hindi umano nakapag-produce ng kuryente sa Pilipinas ang kumpanya ng kongresista at sa halip ay ibinenta ang prangkisa sa iba, na malinaw umanong panloloko sa gobyerno at sa mamamayang Pilipino.


Naku, kapag hindi nalusutan nina Sen. Loren at Cong. Leviste ang kasong ito, at dahil no bail ang plunder, malamang ay parehong mabulok sa kulungan ang mag-inang ito. Boom!


XXX


MAKATIIS KAYA ANG MGA KONGRESISTA NA HINDI MAGSINGIT NG KANILANG PORK BARREL PROJECTS? – Tiniyak ni Speaker Bojie Dy na magiging transparent ang pagbusisi ng Kamara sa P7.2 trilyong national budget para sa 2027.


Sa laki ng halagang iyan, tingnan natin kung makakatiis ang mga kongresista na hindi magsingit ng kanilang mga pork barrel project. Abangan!


XXX


DAPAT MAGSAGAWA NG MALALIMANG IMBESTIGASYON ANG MARCOS ADMIN SA ISYUNG NAGKA-CASINO ANG BAGONG DOH SEC. NA SI DR. PUJALTE  – Matapos italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) si Dr. Jose Brittanio Pujalte Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH), lumabas ang isang manifesto na nag-uugnay umano sa kanya sa pagsusugal sa mga casino.


Bagamat itinanggi na ni Sec. Pujalte ang alegasyon at sinabing paninira lamang ito laban sa kanya, nararapat pa rin itong imbestigahan ng administrasyong Marcos. Hindi magandang tingnan kung ang kalihim ng DOH ay nasasangkot sa ganitong isyu. Period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page