Hamon ng mga sen., P4.7B dagdag-budget ni Cong. Sandro, ibasura

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 2, 2026

IIMBESTIGAHAN AT KAKASUHAN DIN KAYA NG OMBUDSMAN NG PLUNDER SINA NANCY BINAY AT GRACE POE? — Sa kanyang testimonya sa Sandiganbayan ay sinabi ni former Department of Public Works and Highways (DPWH) na maging sina Makati City Mayor, former Sen. Nancy Binay at former Sen. Grace Poe ay tumanggap din daw ng kickback sa flood control projects.
‘Eh ang tanong: Iimbestigahan at sasampahan din kaya ng Ombudsman ng kasong plunder sina Nancy at Grace? Abangan!
XXX
DAPAT TANGGALIN ANG BUDGET SA PANG-PROJECTS NG MGA CONG., KABILANG ANG P4.7B NI CONG. SANDRO, KASI AYON SA SC ANG MANDATO NG MGA SEN. AT CONG. GUMAWA NG BATAS AT HINDI MAGPAGAWA NG PROJECTS — Sinabi ni Sen. Ping Lacson na rerepasuhin daw nila sa Senado ang sinasabing P4.7 billion pang-projects ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.
Aba teka, bakit rerepasuhin lang?
Dapat ay tanggalin ng Senado 'yang P4.7B pang-projects ni Cong. Sandro pati ang pang-projects ng lahat ng mga kongresista kasi kabilang sa nakasaad sa naging desisyon noon ng Supreme Court (SC) nang ideklara nilang unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga lawmakers, na ang mga senador at kongresista ay bawal nang magpagawa ng mga infrastructure projects dahil ayon sa Korte Suprema ang mandato raw ng mga sen. at cong. ay gumawa ng mga panukalang batas at hindi para magpagawa ng mga projects, period!
XXX
PAKIKI-JOIN NG DDS VLOGGERS SA PAG-ATAKE SA P4.7B PANG-PROJECTS NI CONG. SANDRO NAG-BOOMERANG SA P51B PANG-PROJECTS NOON NI CONG. PULONG — Pinuputakti na ng batikos ng mga militante at mga cause-oriented groups si Cong. Sandro patungkol sa P4.7B pang-projects nito sa Ilocos Norte, tapos ang ginawa ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) ay sinakyan ang isyung ito, nakibatikos din sila sa anak ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Dapat ay hindi na "nakisakay" ang mga DDS vloggers sa pambabatikos ng mga militante at cause-oriented groups kasi nagkaroon ng pagkakataon ang mga loyalista vloggers na rumesbak sa social media, pinost nila ang mas malaking P51B pang-projects ni Rep. Paolo Duterte sa distrito nito sa Davao City.
‘Ika nga, sablay ang "pakikisakay" ng DDS vloggers sa pamba-bash kay Cong. Sandro kasi nag-boomerang ito kay Cong. Pulong, boom!
XXX
HINDI LALABAS NG ‘PINAS SI SEN. DELA ROSA PARA MAGTAGO SA IBANG BANSA KASI MAS MADALI SIYANG MAHUHULI NG INTERPOL DAHIL ANG KASO NIYA AY PANG-INTERNATIONAL — Tiyak nasa Pilipinas pa si Sen. Ronald Dela Rosa.
Hindi kasi gagawin ni Sen. Dela Rosa na lumabas ng Pilipinas para magtago sa ibang bansa kasi mas madali siyang maaaresto ng International Police (Interpol) dahil ang kaso niyang crimes against humanity ay pang-international, dinidinig ito sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, period!





Comments