P50-K multa at 6-mons. kulong sa COVID positive na hindi magre-report
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 20, 2021
Dear Chief Acosta,
Ang aking kapatid ay nagpositibo sa COVID at natatakot siyang makipag-ugnayan sa aming barangay. Mayroon ba siyang magiging pananagutan kung itatago na lamang niya ito sa mga kinauukulan? – Amirah
Dear Amirah,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa Section 9(e) ng Republic Act No. 11332, o mas kilala bilang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act,” ipinagbabawal ang pagtatago ng karamdamang may kaugnayan sa COVID.
Ayon sa nasabing batas:
“Section 9. Prohibited Acts. -The following shall be prohibited under this Act:
Xxx
(e) Non-cooperation of the person or entities identified as having the notifiable disease, or affected by the health event of public concern.”
(Binigyang-diin)
Samakatwid, ang taong nagpositibo sa COVID ay kinakailangang makipag-ugnayan sa mga kinauukulan. Ang pagtatago ng nasabing sakit ay maaaring patawan ng kaparusahan sang-ayon sa Section 10 ng parehong batas, kung saan nakasaad na:
“Section 10. Penalties. - Any person or entity found to have violated Section 9 of this Act shall be penalized with a fine of not less than twenty thousand pesos (₱20,000) but not more than fifty thousand pesos (₱50,000) or imprisonment of not less than one (1) month but not more than six (6) months, or both such fine and imprisonment, at the discretion of the proper court.”
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments