top of page
Pinoy Big Brother Collab 3.0 - YT.jpg

P4.5B bank transaction ni Cong. Romualdez habang siya ang speaker, shocking!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 14, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SHOCKING ANG TESTIMONYA NG AMLC PATUNGKOL SA P4.5B BANK TRANSACTION NI CONG. ROMUALDEZ NOONG SPEAKER PA SIYA — Sa testimonya ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Financial Investigator Jan Mark Busa ay P4.5 billion daw ang mga naging bank transactions ni Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez sa panahon na siya ang head ng Kamara.


Sa totoo lang, shocking 'yang P4.5B na ‘yan sa naging bank transaction ni Cong. Romualdez habang siya ang Speaker.


Hindi man deretsahang sinabi, pero parang sinabi na rin umano ni Busa na 'yang P4.5B na iyan ay parte ng kinurakot ni Cong. Romualdez sa kaban ng bayan, boom!


XXX


MALACAÑANG PINUTAKTI NG BATIKOS SA P22.9B NA GASTUSIN SA SUMMIT — Pinutakti ng batikos ang Malacañang sa P22.9 bilyong nakalaang pondo ng administrasyong Marcos sa gaganaping ASEAN Summit and Related Summit sa bansa.

Aba'y mababatikos talaga kasi ubod nang laki 'yang halaga na iyan.

Pagkatapos ng summit, dapat imbestigahan agad ng Senado kung saan-saan ginasta 'yang P22.9B na 'yan kasi baka ang malaking bahagi ng pera ng bayan na 'yan ay napunta sa bulsa ng mga buwaya sa pamahalaan, period! 


XXX


KUNG NALUSUTAN NI SEN. JINGGOY ANG KANYANG PLUNDER 1 AT 2, MALUSUTAN DIN KAYA NIYA ANG PLUNDER 3? — Sa pagdinig sa kasong plunder ni Sen. Jinggoy Estrada ay sinabi ni former Department of Public Works and Highways (DPWH)-Bulacan 1st Dist. Engr. Henry Alcantara na isang bagsakan, worth P213 million kickback sa flood control ang dinala ng kanyang driver sa senador.


Ang kasong plunder na kinakaharap ngayon ni Sen. Jinggoy ay ikatlo na, una noong year 2001 nang masangkot siya sa jueteng at tobacco excise tax scandal at noong year 2014 nang masangkot naman siya sa pork barrel scandal, pero ang dalawang kasong ito ay kanyang nalusutan.


Kaya't ang tanong: Sa bigat ng testimonya ni Engr. Alcantara, patungkol sa P213M kickback kay Sen. Jinggoy, ay malulusutan kaya ng senador ang bagong kasong plunder na kinakaharap niya ngayon? Abangan!


XXX


OMBUDSMAN BOYING REMULLA, WALANG SINASANTO PATI KAALYADONG MAYOR SA CAVITE, SINUSPINDE — Pinatawan ni Ombudsman Boying Remulla ng anim na buwang suspension si Mayor Jose Ricafrente dahil sa pagsusugal nito sa casino nang bumisita ang alkalde sa Bacolod City noong March 2026.


Ang pamilya Remulla at pamilya Ricafrente ay magkaalyado sa pulitika sa Cavite.

Ang nais nating ipunto rito ay sa pagiging ombudsman ay wala talagang sinasanto si Omb. Remulla kasi, ultimo kaalyado nila, sinuspinde niya kapag gumawa ng labag sa batas, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page