top of page
Pinoy Big Brother Collab 3.0 - YT.jpg

Kahalagahan ng pagpapataw ng buwis

Writer: BULGAR
BULGAR
17 minutes ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 23, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, krudo at iba pang produkto at serbisyo, patuloy pa rin ang pagpapataw ng buwis ng ating pamahalaan. Hindi ba maaari na alisin na lang ang mga buwis sa ating bansa? Ano ba ang meron sa pagbubuwis at ayaw nila alisin?


— Rex





Dear Rex,


Bilang isang Estado, ang ating bansa ay may mga likas na kapangyarihan (inherent powers). Ito ay ang Police Power, Eminent Domain, at Taxation o Pagbubuwis. Ibig sabihin, ang mga ito ay kapangyarihan ng isang Estado kahit walang probisyon sa Konstitusyon o alinmang batas na nagtatakda nito. Samakatuwid, awtomatiko ang pagkakaroon ng ganitong kapangyarihan sa panig ng Estado. Ngunit bakit nga ba ganito kabigat at kahalaga ang nasabing mga kapangyarihan ng Estado? Sa kaso na Saint Wealth LTD vs. Bureau of Internal Revenue (G.R. No. 252965, ika-7 ng Disyembre 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Estela Perlas-Bernabe), ipinaliwanag ng Kataas-taasang Hukuman ang konsepto ng Pagbubuwis:


“The power of taxation is an inherent attribute of sovereignty which every independent government may exercise even without express conferment by the people. Taxation emanates from necessity, and is grounded on a mutually advantageous relationship between the State and those it governs; every person surrenders a portion of their income for the running of the government, and the government in turn, provides tangible and intangible benefits to serve and protect those within its jurisdiction. Indeed, it seems only logical to exact a tax from those who stand to benefit, whether directly or indirectly, from the expenditure of public funds derived from the same. Necessarily, implied within the power to tax is the power to choose what or whom to tax. Undoubtedly, the State may tax any persons, property, income, or business within its territorial limits.”


Maliwanag sa mga nabanggit na ang kapangyarihan ng pagbubuwis (power of taxation) ay isang pangangailangan, hindi lamang para sa pamahalaan kundi gayundin para sa mga mamamayang nasasakupan nito. Sa pamamagitan ng pagbubuwis, nakakalikom ang Estado ng sapat na pondo upang matustusan ang mga gastusin nito at maipagpatuloy ang pagbibigay ng mga serbisyong pampubliko. Ang mga serbisyong ito ang nagsisilbing batayan ng pagiging makatuwiran ng pagpapataw ng buwis, sapagkat ang bawat mamamayan ay inaasahang mag-ambag alinsunod sa kani-kanilang kakayahang magbayad. Nabanggit din na kaakibat ng kapangyarihang ito ang karapatan ng Estado na magpasya kung sino o ano ang papatawan ng buwis. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page