top of page
Pinoy Big Brother Collab 3.0 - YT.jpg

Mga cong., kabado na sa tapyas-budget

Writer: BULGAR
BULGAR
18 minutes ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 23, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SABLAY ANG ATAKE NI VP SARA KAY GEN. NARTATEZ KASI MISMONG DDS LAWYER NA SI ATTY. MARK TOLENTINO ANG NAGSABING WALANG HARASSMENT SA DATING KASAMBAHAY NG BISE PRESIDENTE — Ang naunang post sa social media ni Atty. Paolo Panelo, spokesman ni Vice President Sara Duterte, na may gumigipit daw sa dating kasambahay ng Bise Presidente na kesyo ang mga taong nagdala raw dito sa Manila at pilit pinapipirma sa isang affidavit para siraan ang Vice President, ay pinabulaanan ng isa pang Duterte Diehard Supporter (DDS) lawyer, Atty. Mark Tolentino, abogado ng bagong amo ng dating housemaid ni VP Sara, na ayon sa abogadong ito ay wala raw ganung pangyayari.


Kumbaga, parang sinabi ni Atty. Tolentino na fake news ang post ni Atty. Panelo.

Kaya 'yung pambabatikos ni VP Sara kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr, kaugnay sa naging statement ng PNP na walang naganap na rescue operations, walang detention at walang harassment umano sa dating kasambahay ng Bise Presidente at sa apat pang indibidwal dahil kusa namang lumabas ang mga ito sa isang hotel sa BGC, Taguig City, walang inireklamo at kusang umalis sa police station sa Taguig nang walang kasama, ay sablay 'yun dahil nga mismong si DDS lawyer Atty. Tolentino na ang nagsabi, walang katotohanan ang post sa social media ni Atty. Panelo, period!


XXX


MAKALIPAS ANG 1-YEAR, CONG. ROMUALDEZ SA BILIBID NA IKUKULONG? — Sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na dahil sa pagsuko ng co-accused ni Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez sa kasong plunder, ay maaari raw sa loob lang ng isang taon ay tapos na ang pagdinig sa kaso nito sa Sandiganbayan.


Kumbaga, parang sinabi ni Ombudsman Remulla na after 1-year, sa Bilibid naman ikukulong si Cong. Romualdez, abangan!


XXX


KABADO ANG MGA CONG. KASI BAKA PATI BUDGET NILA PANG-PROJECTS SA KANILANG MGA DISTRITO TAPYASAN NI SEN. JV — Tinapyasan ni Sen. JV Ejercito, chairman ng Senate Finance Committee ng P9.75 billion ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Hindi man aminin ay malamang kakaba-kaba na ang mga kongresistang miyembro ng House majority kasi sa sobrang higpit ni Sen. JV sa pagbusisi sa 2027 national budget ay malamang pati budget sa mga pang-projects nila sa kanilang mga distrito ay matapyasan din, period!


XXX


WALA NA SA HULOG ANG TIGIL-PASADA NG MGA TRANSPORT SECTOR — Nagkasa na naman ng dalawang araw na tigil-pasada (Nov. 23-24) ang iba't ibang transport organization at sa pagkakataon na ito, hindi tungkol sa dagdag pasahe o presyo ng krudo ang kanilang ipinu-protesta kundi ang balasahan sa Land Transportation Office (LTO) at ang napipintong pagsibak kay LTO chief Markus Lacanilao.


Wala na sa hulog ang protesta ng mga transport organization kasi ang balasahan sa LTO ay hindi nila dapat pinakikialaman, dapat pokus lang sila sa pasahe at presyo ng krudo, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page