top of page
Pinoy Big Brother Collab 3.0 - YT.jpg

‘America first’ ni Trump, nasaan ang ‘Filipino first’ ni PBBM?

Writer: BULGAR
BULGAR
1 minute ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | November 23, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Malinaw na malinaw.

Hindi kaibigan ng Pilipinas ang United States.

Pinagkakakitaan lang ang mga Pinoy.


----$$$--

Hindi kaibigan maituturing ang isang tao na inaabuso o sinasamantala ang kahinaan o pagiging gipit ng kanyang “kaibigan.”

Isang example dito: Isang kaibigan na pinautang “kuno” pero pinatubuan at ginigipit sa paniningil.


-----$$$--

Ang Mutual Defense Treaty ng US at Pilipinas ay hindi ganap.

Kailangan pa itong aprubahan ng US Congress kapag aktuwal na nagkaroon ng pagsalakay ang China sa teritoryo ng Pilipinas.

Kumbaga, “promise” lang ito ng isang magdyowa sa isa’t isa na karaniwang nilalabag nang tandisan.


-----$$$--

IDINIDIKTA ng US na kailangan pakyawin ng Pilipinas ang “trade surplus” agricultural at nuclear energy” ng US.

Kapag hindi sumunod ang Pilipinas, hindi tutuparin ang “promise na IRONCLAD” sakaling manggiyera ang China.


-----$$$--

BUKOD dito, maakusahan ang US ng pagtraydor o pagtalusira sa “relasyon” dahil ka-trio o ka-love triangle ang China.

Kumbaga, mas “seksi” ang Tsino kaysa sa bilbiling Pinoy.


----$$$--

HINDI tunay na pag-ibig ang relasyon ng US at Pilipinas, bagkus ito ay isang mistulang modus ng isang “gold digger.”

Ang mabigat, inilalarawan ito ng ilan na isang “blackmail.”


-----$$$--

SA kabilang panig at aktuwal na example ay ang relasyon ng US at Ukraine.

Inakala ng Ukraine na “syota” nila ang US, pero sa totoo lang, ipinagkakanulo ang bilbiling-Ukraine sa mas seksing-Russia.


-----$$$--

SA kabuuan, ang relasyon Pilipinas-US at Ukraine-US ay hindi emosyon, bagkus ay pera-pera lang.

Kung matatandaan ninyo, inamin ni US President Trump na pumayag ang Ukraine na ipakontrol sa US ang kanilang rare-mineral deposit, katumbas ng suporta kontra Russia.


-----$$$---

ANG kainaman kay Trump ay hindi naglilihim sa publiko, inilalantad niya ang kanyang baraha.

Sa aktuwal, hindi nanloloko si Trump!


-----$$$--

ANG nanloloko ay ang mga lider ng Ukraine at Pilipinas, sakaling hindi ito nilalantad sa sarili nilang mamamayan.

Kumbaga, dapat transparent.


----$$$---

Isa na sa pinakadakilang lider ng America si Trump, dahil tinototoo niya ang kanyang islogan: Make American Great Again!

Pero, hindi siya dakilang lider ng daigdig, dahil ang prayoridad lang niya ay ang United States, wala nang iba pang bansa, gaya ng Pilipinas.


----$$$--

Ang diskarte, gimik at islogan ni Trump ay kopya sa orihinal na  “Filipino First” policy-slogan” ni President Carlos P. Garcia.

Ikinumbinasyon ito sa islogan ni dating Pangulong Marcos Sr na “This Nation can be  Great Again.”


----$$$--

HINDI natin masisisi si Trump, hindi siya masisisi ng Ukraine, dahil pinoproteksiyunan lang niya ang sariling bansa at mamamayan.

Ang dapat nating sisihin ay ang sarili nating lider o lider ng Ukraine, dahil nagpapauto at nagpapabola kay Trump.


-----$$$--

MAS mainam ang reaksiyon ni Zelensky kay Trump.

Nilinaw niyang labag sa Konstitusyon ang idinidikta ni Trump at kailangan muna itong maaprubahan ng sarili nitong Kongreso at mamamayan.


-----$$$--

KAILANGAN ikonsulta o ipaapruba muna ni PBBM sa Kongreso at plebisito ang anumang idinidikta ng kanyang “BFF’ kuno.

Iyan ay kung ayaw niyang masisi at maging “alibughang” anak sa pagdating ng panahon.

Kasaysayan ang hahatol sa sitwasyon!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page