P20K multa at 2 yrs. pagkakakulong sa tutulong sa paninira o pagsusunog sa kagubatan
- BULGAR
- Mar 29, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 29, 2021
Dear Chief Acosta,
Nasaksihan ko ang pagtulong ng aking kapitbahay sa pagsusunog at paninira ng parte ng kagubatan. Nais ko sanang malaman kung ano ang maaari niyang kaparusahan sa kanyang ginawa? – Mari
Dear Mari,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree (PD) No. 705, o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 69 ng batas na ito na:
“Section 69. Unlawful occupation or destruction of forest lands. Any person who enters and occupies or possesses, or makes kaingin for his own private use or for others any forest land without authority under a license agreement, lease, license or permit, or in any manner destroys such forest land or part thereof, or causes any damage to the timber stand and other products and forest growths found therein, or who assists, aids or abets any other person to do so, or sets fire, or negligently permits a fire to be set in any forest land shall, upon conviction, be fined in an amount of not less than five hundred pesos (P500) nor more than twenty thousand pesos (P20, 000) and imprisoned for not less than six (6) months nor more than two (2) years for each such offense, xxx” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing batas, ang sinumang tutulong o magiging instrumento sa paninira at pagsusunog sa forest land ay pagmumultahin ng P500 hanggang P20,000 at pagkakulong ng hindi bababa sa anim (6) na buwan at hindi hihigit sa dalawang (2) taon bawat pagkakasala.
Samakatwid, ang inyong kapitbahay ay maaaring maparusahan alisunod sa nabanggit na probisyon ng batas.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments