P2 dagdag-presyo sa gasoline, P1.20 rollback sa diesel

by Jeff Tumbado @News | October 4, 2026

Photo: File
Posibleng magkasalungat ang galaw ng presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, kung saan maaaring tumaas ng P1.80 hanggang P2 kada litro ang gasoline, habang bababa ng P1 hanggang P1.20 ang diesel.
Batay ito sa full-week Mean of Platts Singapore (MOPS) trading at foreign exchange averages.
Ayon sa oil industry source, bumaba ang presyo ng diesel matapos magkasundo ang G7 nations at kanilang partners na maglabas ng emergency oil at diesel stocks sa susunod na apat na buwan.
Samantala, nananatiling mataas ang presyo ng gasolina dahil sa mahigpit na global supply.
Inaasahang iaanunsyo ng mga oil company sa Lunes ang opisyal na price adjustment na ipatutupad sa Martes.





Comments