top of page
Search

by Info @News | September 6, 2025


Gasoline Diesel Oil Price Hike

File Photo



Panibagong pasanin ang naghihintay sa mga motorista sa susunod  na linggo dahil sa nakambang pagtaas na naman ng presyo ng produktong petrolyo, ang ikaapat na linggo ng taas-presyo ng gasolina at ikatlong sunud- sunod na linggo para sa krudo at kerosene.


Batay sa ginawang pagtaya ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau, ang  taas-presyo ay ang sumusunod:


Gasoline:  humigit kumulang piso na taas presyo kada litro;

Diesel: humigit kumulang  P1.40 per liter; at 

Kerosene: humigit kumulang P0.80 per liter


Ang pagtaya ay ibinase ng DOE-OIMB sa resulta ng international fuel trading sa nakalipas na apat na araw.


Kabilang sa mga dahilan ng pagtaas sa presyo ng langis ay ang  pagtaas ng isang dolyar matapos magpatupad ng sanction ang US sa taripa ng langis ng Iran; at ang pagtigil ng export ng Saudi Aramco at SOMO ng Iraq sa refinery ng India dahil sa  EU sanctions.

Kasama rin sa nakaapekto sa price hike ang lumalakas na airstrikes ng Russia sa Ukraine.


Inaasahang mag-aanunsyo ang mga lokal na  kumpanya ng langis ng kanilang price adjustment sa Lunes na magiging epektibo ng Martes.

 
 

ni Mai Ancheta @News | Apr. 5, 2025



Oil Price Hike

Photo File


Aasahan ang panibagong price adjustment sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.


Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang taas-presyo ay minimal lamang at hindi aabot ng piso kada litro.


Batay sa pagtaya ng DOE-OIMB, ang inaasahang adjustment sa kada litro ng petrolyo ay ang mga sumusunod:


Gasoline-P0.30 hanggang P0.70 

Diesel-P0.20 hanggang P0.60


Kerosene-walang  paggalaw, o maaaring magtaas o mag-rollback ng P0.20 


Ayon kay Romero, ang pagtaas ng presyo ng langis ay dahil sa pagtaas ng demand ng

langis sa China nitong Marso at Abril dahil kasagsagan ito ng maintenance season.


Inaasahang mag-aanunsiyo ang mga oil industry player ng kanilang price adjustment sa Lunes at magiging epektibo ng Martes.


 
 
  • BULGAR
  • Nov 4, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 4, 2023



ree

Magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.


Inaasahang magkakaroon ng mas malaking rollback sa diesel na mula P1.00 hanggang P1.40 kada litro. Magkakaroon naman ng bawas-presyo na umaabot mula P0.40 hanggang P0.80 bawat litro sa gasoline.


Para sa kerosene, may pagbawas ng presyo na mula P0.80 hanggang P1.20 bawat litro.


Magpapatupad ang mga oil company ng mga pagbabago sa presyo sa Martes (Nobyembre 7) batay sa cost swings ng Mean of Platts Singapore (MOPS) index, kasama na ang impluwensya ng pagbabago ng exchange rate (forex), market premium, pati na rin ang biofuel costs.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page