Hirit sa LGUs... No consultation, no NCAP

by BRT @News | October 4, 2026

Photo: File / NCAP
Dalawang araw bago ang nakatakdang pagbabalik ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa anim na lungsod sa Metro Manila sa Oktubre 5, nanawagan ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magsagawa muna ng public consultation.
Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, dapat malinaw kung may bagong ordinansa, kung dumaan ito sa public hearing, at kung paano poprotektahan ang due process ng mga motorista.
Hiniling din ng grupo na linawin kung may pribadong kumpanyang sangkot sa NCAP at kung makikinabang ito sa mga makokolektang multa.
Giit ng LCSP, hindi sila tutol sa traffic enforcement ngunit dapat malinaw, transparent at naaayon sa batas ang pagpapatupad nito.





Comments