Nakisawsaw sa isyu nina Patrick at Jennylyn, sinopla… DENNIS KAY GELLI: SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO

ni Nitz Miralles @Bida | October 4, 2026

Photo: IG _dennistrillo & _gellidebelen
Matapang na sinagot ng aktor na si Dennis Trillo ang mga naging pahayag ni Gelli de Belen tungkol sa isyu nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.
Sa isang episode ng show na Chika Cart sa GTV, kasama ni Gelli sina Jeff Fernando at Donita Nose. Hiningi ng kanyang mga kasamang hosts ang opinyon niya tungkol sa interview ni Patrick, at sabi ni Gelli, naaawa siya sa mga bata na nadadamay sa alitan ng mag-ex-dyowa.
Sagot-comment ni Dennis sa GTV reel ng pahayag ni Gelli, “@gellidebelen nananahimik kami... lahat ‘yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO!
“Pasalamat kayo, dinaan ko na lang sa ganyan (biro). Oo, kawawa talaga ang mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo ‘yung nagsimula ng gulo!”
Sinundan ito ng “Ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ‘to? Congrats sa new show sa GTV.”
May kasamang poop emojis ang sagot na ito ni Dennis. Itinag nito si Gelli sa kanyang sagot at by now, baka nabasa o nakarating na ‘yun sa aktres.
Hintayin natin kung sasagutin ba nito ang aktor.





Comments