top of page
BIDA - DENNIS KAY GELLI- SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO_IG _dennistrillo & _gellidebel

Gr. 2 at 3, nakuryente sa fun run, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
41 minutes ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 4, 2026



2 Grade students nakuryente sa bubble fun run - Aiko Ayuman De Pablo FB

Photo: 2 Grade students nakuryente sa Bubble Fun Run - Aiko Ayuman De Pablo / FB



Nasawi ang dalawang estudyante matapos makuryente habang dumadalo sa isang Bubble and Color Fun Run sa Cauayan South Central School Sabado ng umaga, Oktubre 3.


Kinilala ang mga nasawi na isang 8-anyos na Grade 3 pupil na lalaki at isang Grade 2 na 7-anyos na babae.


Dalawa pang bata na edad 9 at 6, ang nasugatan sa insidente at isinugod sa ospital.

Nagtamo ng mga sugat sa braso at mga kamay ang 9-anyos na bata at kalaunan ay pinayagang makauwi. Samantala, inoobserbahan pa sa ospital ang 6-anyos.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula nang maaga ang naturang aktibidad, matapos ang fun run, bumalik ang mga kalahok sa school grounds kung saan isinagawa ang bubble party. Dito umano naganap ang insidente kung saan ilang kalahok ang nakuryente.


Agad namang rumesponde ang mga pulis, rescuers at volunteers na nasa lugar upang tulungan ang mga bata.


Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng insidente, kabilang ang kung paano nakuryente ang mga bata.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page