P6.6M puslit na frozen chicken, nasabat

by Jeff Tumbado @News | October 4, 2026

Photo: BOC
Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic nitong Biyernes, Oktubre 2, ang P6.669 milyong smuggled na frozen chicken meat mula sa Hong Kong na idineklarang cooked tofu.
Ayon sa BOC, nakalagay sa isang 40-foot container ang shipment na hinarang matapos makatanggap ng intelligence information hinggil sa posibleng maling deklarasyon nito.
Sa inspeksyon, nadiskubre ang 1,380 karton ng frozen chicken breast at 174 karton ng frozen fish tofu, taliwas sa deklarasyong cooked tofu lamang ang laman ng shipment.
Dahil dito, inirekomenda ang pag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa posibleng paglabag sa food safety, agricultural, at customs laws.
Sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na paiigtingin ng BOC ang kampanya laban sa smuggling at nagbabala rin sa mga indibidwal na nagbibigay umano ng proteksiyon o tulong sa mga smuggler.





Comments