P151.8M pambayad sa Australia, ninakaw ng hacker
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Jenny Rose Albason @World News | April 25, 2026

NagbukasS ng imbestigasyon ang Sri Lanka matapos makapasok ang mga hacker sa sistema ng finance ministry at makapagnakaw ng $2.5 milyon (P151.8M).
Ayon sa mga opisyal, bahagi sana ito ng bayad sa utang ng Sri Lanka sa Australia. Pinaniniwalaang nangyari ang cyber attack noong Enero, ngunit ngayon lamang lumabas ang detalye.
Natuklasan ang pagkawala ng pera matapos magreklamo ang Australia na hindi nila natanggap ang bayad. Lumalabas din na posibleng minanipula ng mga hacker ang email-based payment instructions upang mailipat ang pera sa maling bank account.
May isa pang kahina-hinalang insidente nang subukang baguhin ang detalye ng isa pang bayad para sa India, na nagpalakas sa hinala ng mas malawak na cyber attack.
Sinuspinde ang apat na opisyal ng Public Debt Management Office habang humihingi ng tulong ang Sri Lanka sa mga foreign authorities para sa imbestigasyon.
Ang insidente ay panibagong hamon para sa Sri Lanka na bumabangon pa rin mula sa dating malubhang economic crisis, kung saan hindi nito nabayaran ang bilyon-bilyong dolyar na utang at nakaranas ng kakulangan sa pangunahing pangangailangan.




Comments