top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 22, 2026



Jim Chalmers at the Australian National University on Monday. The treasurer said the ‘intergenerational report illuminates the road ahead’. Photograph- Hilary Wardaugh_AAP

Photo: Jim Chalmers sa Australian National University. Hilary Wardaugh / AAP



Marami nang hamon ang haharapin ng Australia sa pagtanda ng populasyon matapos i-forecast ng gobyerno na malalampasan ng bilang ng mga namamatay ang mga ipinapanganak sa bansa pagsapit ng 2060s.


Ayon sa Intergenerational Report ng Treasury, babagal sa 0.9% kada taon ang population growth sa susunod na apat na dekada, mula sa average na 1.4% sa nakalipas na 40 taon, kasabay ng pagbaba ng birth rate at pagbagal ng migration.

Inaasahang magiging tatlong beses ang bilang ng mga Australianong edad 85 pataas pagsapit ng 2066, na magpapataas sa pangangailangan sa healthcare at aged-care services.


Babala rin ng report, maaaring lumala ang kakulangan sa healthcare at aged-care workers sa mga lugar na maraming matatanda, lalo’t malaking bahagi ng workforce sa mga sektor na ito ay migrant workers.


Itinuturing ng Treasury ang artificial intelligence, geopolitical fragmentation, energy transition, aging population at paglawak ng service economy bilang pangunahing pagbabagong huhubog sa ekonomiya ng Australia sa susunod na 40 taon.


Samantala, naghigpit ang gobyerno sa immigration rules habang patuloy na tinutugunan ang cost-of-living crisis, mataas na mortgage rates at mamahaling pabahay.

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | September 21, 2026



3 patay sa New South Wales, Australia sa loob ng 12 oras - AP _ ABC

Photo: 3 patay sa New South Wales, Australia sa loob ng 12 oras - AP / ABC



Patay ang tatlong babae sa magkakahiwalay na insidente sa New South Wales, Australia sa loob lamang ng 12 oras, habang tatlong lalaki ang kinasuhan ng murder na may kaugnayan sa domestic violence.


Sa Wagga Wagga, natagpuang may malubhang saksak ang 23-anyos na babae sa loob ng bahay alas-11:45 ng umaga noong Sabado. Hindi na ito nasagip, habang naaresto makalipas ang halos siyam na oras ang 31-anyos na lalaking karelasyon umano ng biktima at kinasuhan ng murder.


Sa Bondi Beach naman, natagpuan ang isang babaeng nasa 90s na may mga saksak sa loob ng kanyang unit alas-5:15 ng hapon. Naaresto ang 47-anyos na lalaki at kinasuhan ng domestic violence-related murder. Tinanggihan din ang kanyang piyansa.


Samantala, isang babaeng nasa 70s ang natagpuang patay sa isang property sa Mole River alas-9:35 ng gabi matapos i-report ang domestic violence incident sa lugar.


Nauna rito, inaresto ang 37-anyos na lalaki matapos umanong pumasok sa property, tangkaing nakawin ang isang sasakyan at saktan ang 74-anyos na lalaking residente. Kinasuhan din siya ng murder at hindi pinagpiyansa. Ayon sa pulisya, magkakilala umano ang suspek at biktima.


Nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga opisyal ng NSW sa magkakasunod na pagkamatay, habang patuloy ang imbestigasyon at paglilitis sa tatlong kaso.





BATA, PINAGSASAKSAK SA LOOB NG SASAKYAN, DEDO



Patay ang isang bata habang kritikal ang dalawa pang bata at isang babae matapos ang stabbing attack sa loob ng isang sasakyan sa Waratah Road, Valley Heights, Blue Mountains, New South Wales, Australia nitong Linggo.


Agad rumesponde ang emergency services matapos i-report ang insidente. Ilang residente ang nagsagawa ng first aid sa mga biktima habang hinihintay ang mga awtoridad.


Natagpuang patay ang isa sa mga bata sa loob ng sasakyan, habang isinugod naman sa Westmead Hospital ang dalawa pang batang tinatayang wala pang limang taong gulang at isang babaeng nasa 40s.


Patuloy ang imbestigasyon ng Blue Mountains Police at kinordon na ang crime scene. Sa ngayon, sinabi ng pulisya na wala silang hinahanap na ibang suspek.


Nanawagan ang mga awtoridad sa sinumang may nalalaman o may mobile phone at dashcam footage ng insidente na makipag-ugnayan sa Crime Stoppers.

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | September 3, 2026



US at Australia, nagbigay ng P36B sa Pacific Islands, kontra-droga

Photo: File



Umabot sa $580 (P36B) milyon ang pinagsamang pondo ng Estados Unidos at Australia para sa mga bansang Pacific Islands, kasabay ng pagpapaigting ng dalawang bansa sa kanilang presensya at impluwensya sa rehiyon na patuloy ding inaagawan ng atensyon ng China.


Inihayag ng Australia ang $430 milyon (P26B) na package para labanan ang drug smuggling at organisadong krimen sa Pacific.


Gagamitin ang pondo sa pagpapalakas ng aerial surveillance at dagdag na training para sa mga pulis at border officials ng mga bansang kabilang sa rehiyon.


Ayon kay Australian Prime Minister Anthony Albanese, mahalaga sa Australia ang seguridad ng Pacific dahil itinuturing nila itong bahagi ng kanilang tahanan at pamilya.

Samantala, naglaan naman ang US ng $150 milyon (P9B) para sa Pacific Islands, kabilang ang $60 milyon (P3B) na tutulong sa mga bansa na harapin ang global energy crisis.


Bahagi ng naturang pondo ang pagpapalawak ng fuel storage capacity at mga hakbang para mapanatiling matatag ang kanilang power grids.


Inanunsyo ni US Deputy Secretary of State Christopher Landau ang ayuda sa ginaganap na Pacific Islands Forum sa Palau, kung saan nangingibabaw din ang usapin sa paglahok ng Taiwan.


Tutol ang China sa presensya ng Taiwan sa taunang pagpupulong ng 18-member forum dahil itinuturing ng Beijing ang Taiwan bilang bahagi ng teritoryo nito.


Sinabi naman ng Australia at New Zealand na ang bloc ang magpapasya kung sino ang maaaring imbitahan sa forum.


Ang Palau, na host ng kasalukuyang pagpupulong, ay kabilang sa tatlong Pacific nations na patuloy na nagpapanatili ng diplomatic ties sa Taiwan.


Nagsimula ang forum noong Agosto 30 at nakatakdang magtapos sa Setyembre 4.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page