P12 ayuda sa petrolyo, pampalubag-loob sa naghihikahos na driver
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 10, 2026

TANGGAPIN KAYA NI DEFENSE SEC. TEODORO ANG HAMON NI VP SARA NA PANGALANAN ANG MGA OPISYAL NA PRO-CHINA? – Matapos ianunsyo ni Defense Sec. Gibo Teodoro na dapat mag-resign ang mga government officials na pro-China, hinamon ni Vice President Sara Duterte ang defense secretary na pangalanan ang mga tinutukoy nitong pro-China.
Tanggapin kaya ni Sec. Teodoro ang hamon ni VP Sara? Pangalanan kaya niya ang mga Philippine government officials na pro-China? Abangan!
XXX
DAPAT RUMESBAK SA 2028 ELECTION ANG MGA BIKTIMA NG BAHA, IBASURA ANG MGA PULITIKONG SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL – Muling nilubog sa baha ang iba't ibang lugar sa bansa dulot ng malakas na buhos ng ulan na dala ng Habagat. Ang mga binahang lugar na ito ay kabilang sa mga natuklasang sangkot sa flood control projects scam.
Sa 2028 elections, dapat resbakan ng mga mamamayan sa mga lugar na binaha ang mga senador at kongresistang sangkot sa flood control scandal. Kung muli nilang ihahalal ang mga ito, tiyak na ibubulsa na naman ng mga politikong ito ang pondo para sa flood control projects. Period!
XXX
BANGAYANG SEN. LACSON AT SEN. CAYETANO, TULOY PA RIN – Nabigo ang mga kapwa nila senador na pagkasunduin ang nagbabangayang sina Sen. Ping Lacson at Sen. Alan Cayetano.
Dahil d’yan, asahan nang magpapatuloy ang bangayan nina Sen. Lacson at Sen. Cayetano. Boom!
XXX
SA HALIP NA P12 FUEL SUBSIDY, DAPAT TANGGALIN ANG VAT SA LANGIS AT OIL EXCISE TAX – Sa Agosto 15, 2026, sisimulan na ng pamahalaan ang P12 kada litro na fuel subsidy para sa mga pampublikong sasakyan.
Napakaliit ng P12 na iyan kung ikukumpara sa halos P100 na itinaas sa presyo ng krudo kada litro.
Kung nais talaga ng Marcos administration na makatulong sa mga tsuper ng public transport, dapat nang tanggalin ang value-added tax (VAT) sa langis, pati ang fuel excise tax. Period!





Comments