Search
  • BULGAR

P100-K multa at 2 yrs. na pagkakakulong sa papatay ng may sakit na hayop

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 03, 2021



Dear Chief Acosta,

Nais patayin ng kaibigan ko ang kanyang mga alagang kalabaw dahil dinapuan ang mga ito ng sakit at upang hindi na mahawa ang kanyang ibang mga alagang hayop. Maaari ba niya itong gawin nang walang pahintulot sapagkat siya naman ang lehitimong may-ari ng mga nasabing hayop? – Jason


Dear Jason,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. 8455, as amended by Republic Act (R. A. )No. 10631, o mas kilala sa tawag na The Animal Welfare Act of 1998. Nakasaad sa Section 6 ng batas na ito na:


“SEC. 6. It shall be unlawful for any person to torture any animal, to neglect to provide adequate care, sustenance of shelter, or maltreat any animal or to subject any dog or horse to dogfights or horse fights, kill or cause or procure to be tortured or deprived of adequate care, sustenance or shelter, or maltreat or use the same in research or experiments not expressly authorized by the Committee on Animal Welfare.


The killing of any animal other than cattle, pigs, goats, sheep, poultry, rabbits, carabaos and horses is likewise hereby declared unlawful except in the following instances: xxx


2) When the pet animal is afflicted with an incurable communicable disease as determined and certified by a duly licensed veterinarian xxx


In all the above mentioned cases, including those of cattle, pigs, goats, sheep, poultry, rabbits, carabaos, horses, deer and crocodiles the killing of the animals shall be done through humane procedures at all times. For this purpose, humane procedures shall mean the use of the most scientific methods available as may be determined and approved by the committee.


Only those procedures approved by the Committee shall be used in the killing of animals.”


Ayon sa nasabing batas, pinapayagan ang pagpatay sa mga hayop na mayroong sakit na hindi nagagamot, at ito ay nakahahawa. Ngunit dapat ninyong malaman na kailangan ng sertipikasyon o pagsang-ayon mula sa lisensiyadong beterinaryo bago ito isagawa. Nararapat din itong isagawa alinsunod sa scientific methods na inaprubahan ng Committee on Animal Welfare.


Ang sinumang lumabag ay maparurusahan ng pagkakulong ng isang taon, anim na buwan at isang araw hanggang dalawang taon at/o multa sa halagang P100, 000. [Section 9(1) R. A. No. 10631].


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.