P10.6M shabu sa kahon ng wedding dress, buking

ni Mervin Reyes @News | September 11, 2026

Photo: Ang 10.6M milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa kahon na may wedding dress - BOC PH
Nasabat ng Bureau of Customs-Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency ang P10.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa karton ng wedding dress.
Umabot sa 1.573 kilo ang nakumpiskang droga mula sa shipment na nagmula sa Mexico City, Mexico at nakatakdang ipadala sa Mandaluyong City.
Nadiskubre ang kontrabando matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe sa X-ray ang shipment na idineklarang wedding dress.
Walang nakitang droga sa damit, ngunit nang baklasin ang karton, natagpuan ang apat na plastic pouch na nakatago sa cardboard sidewalls.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, kailangang manatiling masusi ang mga tauhan ng BOC dahil patuloy na nagbabago ang paraan ng mga smuggler sa pagtatago ng kontrabando.
Isinailalim na sa laboratory analysis at confirmatory testing ng PDEA Clark ang substance, habang naglabas na rin ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment.





Comments