top of page
BINI Gwen.jpg

8-anyos nalunod sa Baseco Beach, dedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | October 28, 2026



8 anyos nalunod sa Baseco Beach - Baseco Fire & Rescue Volunteer

Photo: 8 anyos nalunod sa Baseco Beach - Baseco Fire & Rescue Volunteer



Patay na nang matagpuan ang isang 8-anyos na Grade 2 pupil matapos mawala habang naliligo sa Baseco Beach, Brgy. 649, Port Area, Maynila, nitong Lunes, Oktubre 26.

Alas-8:55 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng bata sa baybayin na may mga tanim na bakawan.


Una rito, nagtungo sa baybayin ang bata at mga kalaro alas-5:30 ng hapon matapos siyang masundo ng kanyang ama sa paaralan noong tanghali.


Inakala umano ng mga magulang na nasa computer shop lamang ang bata, ngunit nag-alala sila nang magtanong ang mga kalaro kung nasaan na ito.


Ayon sa ama, nasagip sana ang kanyang anak kung agad na sinabi ng mga kalaro na naligo sila sa dagat.


Samantala, sinabi ni Barangay information officer Arbie Bryan Rico na matagal nang ipinagbabawal ang pagligo sa Baseco Beach.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page