P10.50 dagdag-presyo sa diesel, P5 gasoline, P7 kerosene

by Mervin Reyes @News | September 19, 2026

Photo: File
Nakikitang tataas ng P10 hanggang P10.50 kada litro ang diesel at P4.50 hanggang P5 kada litro ang gasolina sa susunod na linggo dahil sa patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Batay ito sa Mean of Platts Singapore trading at foreign exchange averages sa nakalipas na apat na araw.
Sa panayam sa kay Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, sinabi nitong nasa P5 kada litro ang inaasahang dagdag sa gasolina, more or less P10 per liter sa diesel, at nasa P7 kada litro naman sa kerosene.
Tuwing Lunes, nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga oil firms na ipinatutupad kinabukasan.





Comments