top of page
BULGARY - ALEX EALA, TAGILID MAGMULTA NG P620K, SEN. TULFO, TO THE RESCUE-IG _alex.eala &

Biktima ng human trafficking, naharang sa NAIA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | September 17, 2026



Chinese national patay sa hotel sa Pasay - Pasay CPS Circulated

Photo: File



Nailigtas sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang isang biktima ng human trafficking sa pamamagitan ng coordinated efforts ng Inter-Agency Council Against Trafficking Task Force.


Nakipag-ugnayan ang Bureau of Immigration Protection and Border Enforcement Section matapos ang ibinigay na impormasyon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation.


Ayon sa immigration, ang pasaherong si “Inah,” 35, ay na-recruit online para sa isang phone operator position sa isang casino sa Myanmar-Thailand border, na may ipinangakong buwanang suweldo na P50,000. Nai-book ang biktima na maglakbay sa Thailand bilang isang turista.


Ang kanyang contact, na si "Miss A," ay sinasabing isang empleyado ng human resources ng kumpanya.


Limang indibidwal, kabilang ang mga tauhan ng BI, ang iniimbestigahan upang matukoy kung may mga paglabag o pagkakasangkot sa umano'y trafficking o illegal recruitment scheme.


Pinuri ni BI Commissioner Joel Anthony M. Viado ang mga miyembro ng IACAT Task Force at binigyang-diin na patuloy na susuportahan ng Bureau ang mga pagsisikap na pigilan ang trafficking at protektahan ang mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page