top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

Mas pinili ang Asian Games kesa WTA China Open… ALEX EALA, TAGILID MAGMULTA NG P620K, SEN. TULFO, TO THE RESCUE

Writer: BULGAR
BULGAR
25 minutes ago
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 18, 2026



BULGARY - ALEX EALA, TAGILID MAGMULTA NG P620K, SEN. TULFO, TO THE RESCUE-IG _alex.eala & _raffytulfoinaction

Photo: IG _alex.eala & _raffytulfoinaction



Posibleng umabot sa $10,000 o tinatayang P620,000 ang multa kay tennis star Alex Eala mula sa Women’s Tennis Association (WTA) matapos niyang piliing kumatawan sa Pilipinas sa Asian Games kaysa lumahok sa WTA China Open.


Sa ngayon, hinihintay pa ang desisyon ng WTA sa hiling na exemption ng Philippine Tennis Association (PHILTA) para kay Eala. Wala pang ipinapataw na multa, ayon sa mga ulat noong Setyembre 14, habang patuloy ang pag-uusap tungkol sa kanyang paglahok sa Asian Games.


Dahil dito, nanawagan si Sen. Erwin Tulfo na tulungan ng gobyerno si Eala sakaling ipataw sa kanya ang naturang penalty.


Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Tulfo na hindi dapat pasanin ni Alex nang mag-isa ang posibleng multa dahil pinili nitong kumatawan sa bansa.


“If she is being fined because she chose to represent our people, isn’t it only right that the government extends its assistance or support to her?” ani Tulfo.


Ayon pa sa senador, maaaring malaking halaga ang multa para kay Eala, pero iba ang halaga ng pagkakataong katawanin ang Pilipinas sa international stage.


Aniya pa, “May be a significant amount, but compared to the honor of having one of our best athletes represent our country, I believe it is a price worth paying for.”

Nauna nang humingi ng exemption ang PHILTA sa WTA para kay Eala. 


Samantala, tiniyak ng PHILTA na tutuloy sa Asian Games ang Pinay tennis star habang hinihintay ang desisyon ng WTA.


Sinabi rin ni Philippine Olympic Committee President Abraham Tolentino na may sariling rules ang WTA at may katapat na penalty ang paglabag dito.

“The WTA has its rules and breaking the rules has penalties,” he said. 


Aniya pa, “But Alex will be in Nagoya, for the flag and country.”

Nakakuha na noon si Eala ng bronze medal sa singles at mixed doubles nang kumatawan siya sa Pilipinas sa 2022 Asian Games.


Samantala, nanindigan si Tulfo na hindi dapat mapunta sa sitwasyon si Eala na kailangang mamili sa pagitan ng kanyang professional career at paglalaro para sa bansa.


Sey niya, “We should not put Alex in a situation where she has to choose. She chose to play for the Philippines instead of her professional career. She should not have to carry that burden alone.”





Inspirasyon ng mga Pinoy sa sports…

PACQUIAO, BINIGYAN NG HONORARY DEGREE NG PNU



Ipinakita ni Jinkee Pacquiao ang kanyang pagmamalaki sa asawang si Manny Pacquiao matapos nitong makamit ang panibagong academic milestone.


Noong Miyerkules (Setyembre 16), ibinahagi ni Jinkee sa kanyang social media account ang ilang larawan mula sa seremonya ng paggawad kay Manny ng honorary Doctor in Physical Education and Sports degree ng Philippine Normal University (PNU).


Ginawaran si Manny ng honorary degree bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng sports at sa kanyang pagbibigay-inspirasyon sa mga Pilipino.


Sa caption, sey ni Jinkee: “I’m so incredibly proud of you, Sec. @mannypacquiao.”

Nagpasalamat din siya sa PNU para sa pagkilalang ipinagkaloob kay Manny.


Aniya, “To God be all the glory! Thank you Philippine Normal University!”

Ang honorary degree ay dagdag sa mahabang listahan ng mga tagumpay ni Pacquiao, hindi lamang sa boxing kundi maging sa iba pang larangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page