top of page
BULGARY - ALEX EALA, TAGILID MAGMULTA NG P620K, SEN. TULFO, TO THE RESCUE-IG _alex.eala &

Lalaki, pinagsasaksak ng bayaw habang tulog

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Levi Gonzales @News | September 19, 2026



Lalaki, pinagsasaksak ng bayaw habang tulog

Photo: File



Sugatan ang isang lalaki matapos umanong pagsasaksakin ng kanyang bayaw sa LMI Site, Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City. Batangas.


Ayon sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw natutulog ang biktimang si alyas Jun, may sapat na gulang, sa kanilang bahay nang pagsasaksakin umano siya ng suspek na si "Jessie,” na sinasabing nasa impluwensiya ng alak.


Ilang saksak ang tinamo ng biktima sa katawan at agad naman siyang isinugod sa pagamutan ng isang kaanak.


Sumuko naman sa pulisya ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page