top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

P10.1B OP budget, aprub agad sa Kamara, nangangamoy pork barrel?!!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 3, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WALA SANANG KAPALIT NA PORK BARREL ANG SIMBILIS NG KIDLAT NA PAG-APRUB NG KAMARA SA NAKAKALULANG P10.1B BUDGET NI PBBM – Simbilis ng kidlat na inaprub ng Kamara ang nakakalulang P10.1 billion budget ng Office of the President (OP) para sa year 2027.


Sana ang mabilis na pag-aprub ng Kamara sa badyet na ito ng tanggapan ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay walang kapalit na "pork barrel projects" sa mga kongresistang kaalyado ng Marcos administration, boom!


XXX


SANDIGANBAYAN MASYADONG MAPAGBIGAY SA MGA MAY KASONG PLUNDER AT MALVERSATION WITH HARD EVIDENCE KASI ‘NO BAIL’ MGA KASONG ITO, PERO PINAPAYAGANG MAGPIYANSA – Pinuna ni Ombudsman Boying Remulla ang Sandiganbayan sa masyadong mapagbigay sa hinihirit na bail o piyansa ng mga politicians at gov't. officials na may kasong plunder at malversation of public funds with hard evidence.


Korek ang sinabing ito ni Ombudsman Remulla, kasi malinaw naman sa batas na no bail ang mga kasong plunder at malversation of public funds with hard evidence, pero ang ginagawa ng Sandiganbayan, pinapayagang makapagpiyansa ang mga politicians at gov't. officials na may mga ganitong kaso, tsk!


XXX


DAHIL GINAWANG STATE WITNESS SI BONOAN BAKA ANG MANGYARI DUMAMI ANG MAGNANAKAW SA KABAN NG BAYAN SAKA MAG-A-APPLY NA TESTIGO NG PAMAHALAAN – Inaprub ng Sandiganbayan na tanggalin bilang akusado sa kasong plunder at malversation of public funds si former Dept. of Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan upang maging state witness ito sa mga politicians at gov't.officials na sangkot sa flood control scandal.


Naku, baka dahil sa naging desisyon na 'yan ng Sandiganbayan na pabor kay Bonoan ay mas dumami ang mga magnanakaw ng bilyon-bilyong piso sa kaban ng bayan at kapag nabukayo, mag-a-apply na state witness para lusot sa kaso, boom!


XXX


KAPAG NAMAHAGI SI BULACAN VG ALEX CASTRO NG RELIEF GOODS HINDI NIYA INAAKO ITO AT SA HALIP SINASABING MULA ITO (FOOD PACKS) SA BUWIS NG MAMAMAYAN – Kapag nagbibigay ng relief goods si Bulacan Vice Gov. Alex Castro sa kanyang mga kababayan ay ganitong statement ang lagi niyang pambungad, "Ang mga bagay (food packs) na ibinabahagi namin sa inyo ay galing sa inyong buwis, ibinabalik lang namin sa inyo kaya wala kayong utang na loob sa amin."


Sana all ng politicians ay tulad ni VG Castro na ganyan ang sinasabi kapag namamahagi ng relief goods, kasi 'yung ibang pulitiko, kapag namahagi ng food packs sa mamamayan ay feeling nila mula sa sarili nilang bulsa, wala silang sinasabi na ang kanilang ipinamimigay na tulong ay mula sa buwis ng taumbayan, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page