top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

P.2M multa at kulong sa pag-isyu ng talbog na tseke

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2024
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 19, 2024


Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Nang singilin ako para sa aking utang, napilitan akong mag-isyu ng post-dated checks. Kinalaunan, tumalbog ito nang ideposito dahil sa kawalan ng pondo. Tinatakot ako ng inutangan ko na ipakukulong niya ako. Makukulong ba ako dahil dito?


-- Lidia



Dear Lidia,


Ang diwa ng parusa sa ilalim ng Batas Pambansa (B.P.) Blg. 22 ay ang paggawa at pag-isyu ng walang halagang tseke o tseke na walang pondo nang ideposito ito para sa pagbabayad. Hindi ang pagliban sa pagbabayad ng obligasyon ang pinarurusahan ng batas. Bagkus, ang layunin ng batas ay upang ipagbawal ang paggawa ng mga walang kuwentang tseke at ilagay ang mga ito sa sirkulasyon. Dahil sa masasamang epekto nito sa interes ng publiko, ipinagbabawal ng batas ang ganitong gawain at pinarurusahan ito bilang paglabag sa pampublikong kaayusan.


Kaugnay nito, nakasaad sa Seksyon 1 ng B.P. Blg. 22 ang mga alternatibong parusa sa paglabag sa nasabing batas:


SECTION 1. Checks without sufficient funds. - Any person who makes or draws and issues any check to apply on account or for value, knowing at the time of issue that he does not have sufficient funds in or credit with the drawee bank for the payment of such check in full upon its presentment, which check is subsequently dishonored by the drawee bank for insufficiency of funds or credit or would have been dishonored for the same reason had not the drawer, without any valid reason, ordered the bank to stop payment, shall be punished by imprisonment of not less than thirty days but not more than one (1) year or by a fine of not less than but not more than double the amount of the check which fine shall in no case exceed Two hundred thousand pesos, or both such fine and imprisonment at the discretion of the court.” 


Gayundin, sa kasong Julie S. Sumbilla vs. Matrix Finance Corporation, G.R. No. 197582, 29 Hunyo 2015, ipinahayag ng ating Korte Suprema, sa pamamagitan ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Martin S. Villarama, Jr. na ang mga alternatibong parusa na ipapataw sa ilalim ng B.P. Blg. 22 ay: (1) pagkakakulong ng hindi bababa sa 30 araw, ngunit hindi hihigit sa isang taon; (2) multa na hindi bababa o higit sa doble ng halaga ng tseke, ngunit hindi lalampas sa Php200,000.00; o (3) parehong multa at pagkakulong, sa pagpapasya ng hukuman:


The court may thus impose any of the following alternative penalties against an accused found criminally liable for violating BP 22: (1) imprisonment of not less than 30 days, but not more than one year; or (2) a fine of not less or more than double the amount of the check, and shall in no case exceed P200,000.00; or (3) both such fine and imprisonment. The discretion to impose a single (imprisonment or fine) or conjunctive (fine and imprisonment) penalty pertains to the court.


If fine alone is the penalty imposed, the maximum shall be double the amount of the face value of the rubber check which in no case should exceed P200,000.00.”


Ang mga epekto ng pag-isyu ng walang halagang tseke ay hindi limitado sa mga pribadong interes ng mga partido na direktang kasangkot sa transaksyon. Bagkus nakakaapekto ito sa mga interes ng komunidad sa pangkalahatan. Ang danyos na nililikha nito ay hindi lamang isang pagkakamali sa binigyan ng tseke, kundi isang pinsala rin sa publiko. Ang nakapipinsalang kaugalian ng paglalagay sa sirkulasyon ng komersyo ng mga walang halagang komersyal na papel, kapag pinarami ng isang libong beses, ay maaaring makapinsala sa kalakalan at komersyo, makapinsala sa sistema ng mga bangko, at sa huli ay makapinsala sa kapakanan ng lipunan at interes ng publiko. (Florentina A. Lozano vs. The Honorable Antonio M. Martinez, et. al., G.R. No. L-63419, 18 Disyembre 1986, J. Yap)


Para masagot ang iyong katanungan, kung mapatutunayan sa hukuman na lumabag ka sa B.P. Blg. 22, maaari kang mahatulan ng pagkakakulong, multa, o parehas na pagkakakulong at multa, alinsunod sa pagpapasya ng hukom.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page