Opinyon nina Davide, Panganiban at Puno na 2/3 lang ng present senador ang kailangan sa impeachment court, tagilid si VP Sara na ma-convict

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 17, 2026

TAGILID SI VP SARA NA MA-CONVICT KUNG ANG OPINYON NINA DAVIDE, PANGANIBAN AT PUNO ANG SUSUNDIN NG SENATE IMPEACHMENT COURT – Sa apat na retired justices na inimbitahan ng Senate impeachment court para hingan ng opinyon patungkol sa bilang na 2/3 ng mga senator-judge na hahatol sa conviction ni Vice Pres. Sara Duterte, ay tatlo ang pumabor na ipaiiral ang 2/3 sa mga may aktibong may partisipasyon o present sa impeachment court at sila ay sina former Chief Justices Hilario Davide, Artemio Panganiban at Reynato Puno, samantalang isa lang ang nagsabi, si ret. Associate Justice Adolfo Azcuna, na ang 2/3 ay ipairal sa lahat ng 24 senador-huwes kahit 'yung iba ay nakakulong, nagtatago at nasa ibang bansa.
Kaya kung susundin ng Senate Impeachment Court ang opinyon nina Davide, Panganiban at Puno, ay sa totoo lang, nagdedelikado talaga si VP Sara na ma-convict sa kasong impeachment, period!
XXX
KAPAG DINEDMA NG SENADO AT KAMARA ANG UTOS NG SC NA MAGPASA NA NG BATAS SA ANTI-POLITICAL DYNASTY, IBIG SABIHIN, AYAW NG MGA POLITICAL FAMILIES NA MAWALAN SILA NG POWER SA GOV'T. – Kinalampag ng SC ang Senado at Kamara na magpasa na ng anti-political dynasty dahil 39 taon na itong pinagsasamantalahan ng political families.
Dapat sundin na ng Senado at Kamara ang utos na ito ng SC bago sumapit ang 2028 elections para isa na lang sa kada pamilya ng mga pulitiko ang papayagang kumandidato.
Kapag dinedma ng Senado at Kamara ang utos na ito ng SC, ibig sabihin, ayaw talaga ng mga magkakapamilyang pulitiko na mawalan sila ng power sa gobyerno, boom!
XXX
MATAPOS I-DENY NI HARRY ROQUE NA DENIED NA ANG KANYANG ASYLUM APPLICATION, NA-BASH NA SI SEC. REMULLA – Nag-post si former presidential spokesman Harry Roque na fake news ang inanunsyo ni Dept. of the Interior and Local Gov't. Secretary Jonvic Remulla na denied daw ang kanyang asylum application.
Dahil diyan, na-bash na naman sa social media si Sec. Remulla.
Maging aral sana ito kay Sec. Remulla, na dapat kinukumpirma niyang mabuti ang mga nakukuha niyang impormasyon bago ito isapubliko para hindi siya naba-bash ng netizens, period!
XXX
KAPAG HINDI UMAKSYON SI ATTY. MACALINTAL LABAN SA POSTPONEMENT NG BSKE MALAMANG NO-ELECTION SA NOV. 2026 – Lusot na rin sa Senado ang panukalang batas na nagpapaliban sa November 2, 2026 BSKE (Barangay and Sangguniang Kabataan Election), at pagtakda nito sa Nov. 2028.
Ang tanging pag-asa na lang ng mga mamamayang nagnanais matuloy ang halalan sa Nov. 2, 2026 ay kapag kinontra ni election lawyer Atty. Romy Macalintal sa SC ang batas na ito sa postponement ng BSKE, kasi kapag wala siyang ginawang aksyon, at wala rin ibang nagpetisyon sa Korte Suprema, asahan nang no-el o no election sa halalang pambarangay sa Nov. 2026, boom!





Comments