Jonvic, ‘pag hindi pinagalanan ang grupong nagkakanlong daw kay Bato, lalabas siyang nag-fake news

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 1, 2026

DAPAT ISAPUBLIKO NA NI SEC. JONVIC ANG POWERFUL NA GRUPONG NAGPOPROTEKTA KAY SEN. DELA ROSA KASI KUNG HINDI NIYA PAPANGALANAN LALABAS NA FAKE NEWS ANG SINABI NIYANG MAY 10K NA MAMAMATAY SA PAG-ARESTO SA SENADOR — Tapos na ang isang linggong palugit ng Philippine National Police (PNP) para sumuko si Sen. Ronald dela Rosa na may kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
At dahil tapos na nga ang palugit, ay dapat pangalanan, isapubliko na ni Sec. Jonvic Remulla ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang sinasabi niyang powerful na armadong grupo na nagbibigay proteksyon kay Sen. Dela Rosa.
Kasi kung hindi ito papangalanan ni Sec. Jonvic ay lalabas na fake news ang isinapubliko niya na may 10,000 mamamatay sa pag-aresto sa senador, period!
XXX
KA-PANIC-PANIC TALAGA ANG PATULOY NA PAGHINA NG PISO KONTRA DOLYAR KASI ANG EPEKTO NITO AY ANG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN — Hanggang ngayon ay pinuputakti pa rin ng batikos si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., (PBBM) sa tinuran niyang huwag daw mag-panic ang publiko sa patuloy na paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
Sa totoo lang, sablay talaga ang statement na ito ni PBBM kasi nga, ka-panic-panic naman talaga ang patuloy na paghina ng piso kontra dolyar dahil ang matinding epekto nito sa mamamayan ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin, boom!
XXX
PARA MATIGIL NA ANG KATIWALIAN SA DPWH, DAPAT I-PRIVATIZED NA ANG DEPARTAMENTONG ITO — Tatlong engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang sinuspinde ng Ombudsman dahil sa nabulgar na P94 million "ghost" Farm-to-Market Road sa Davao Occidental.
Sa Davao Occidental pa lang 'yang nabulgar na 'yan dahil tiyak sa ibang lalawigan ay may ganyang "ghost" Farm-to-Market Road din.
Grabe ang kurakutan sa DPWH kasi mantakin n'yo, may raket na d’yan sa flood control projects, tapos may raket din sa Farm-to-Market road.
Isa lang ang solusyon para matigil ang talamak na corruption sa DPWH at itong departamentong ito ay i-privatize, mga kapitalista na ang mamumuhunan sa paggawa ng mga infrastructure projects at kapag natapos ang proyekto, saka sila babayaran ng gobyerno, period!
XXX
‘PINAS BAON NA SA UTANG TAPOS HUMIHINA PA ANG HALAGA NG PISO KONTRA DOLYAR — Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na mula sa dating P19.61 trillion, ay pumalo na sa P19.66 trillion ang utang ng Pilipinas sa mga financial institutions sa mundo.
Hay naku! Anyare na sa ‘Pinas kasi mantakin n'yo, nababaon na sa utang ang Philippines, tapos patuloy pang humihina ang halaga ng piso kontra dolyar, tsk!





Comments