Online gambling, laganap dahil gobyerno mismo ang “sulsol”!
- BULGAR

- 19 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | February 25, 2026

Isinakdal na si Digong sa ICC.
Pero, hindi siya dumalo.
Dedma lang.
----$$$--
TINIRA ng abogado ni Duterte na si Nicolas Kauffman si PBBM.
Na-import ng The Netherlands ang maruming pulitika mula sa The Philippines.
----$$$--
NAGDA-DRAMA ang mga abogadong Pinoy sa The Hague.
Baka nahasa sila sa Plaza Miranda.
-----$$$---
BINANGGIT ang mga co-perpetrators ni Digong.
Nadawit ang dalawang aktibong senador.
Bidang-bida talaga ang Senado—pang-export ang kalidad!
----$$$--
SUMABIT ang hindi tinukoy na mataas na opisyal ng lalawigan ng Bulacan sa road rage sa NLEX.
Siguro naman alam n'yo na kung sino ang “bida” at “kontrabida.”
-----$$$--
ANG gobyerno ay isang malinaw na entablado ng mga pagtatanghal.
Puwede–kaso sino?
Puwede rin ang bold dancer.
He-he-he!
----$$$--
NATABUNAN ang flood control scam.
Nakapahinga si Boying nang bahagya.
-----$$$--
PERO, kahit si Boying ay may character role sa The Hague.
Mahaba pa ang teleseryeng ito.
May makokopya na naman ang “SIGABO.”
-----$$$--
BAGSAK ang ekonomiya.
Hopeless ang Bangko Sentral!
Baka magpa-imprenta na lang ng P2,000 bills.
-----$$$---
MAGTATAPOS na ang “FPJ’s Batang Quiapo.”
Hindi na ako makakapanood nang walang katapusang patayan kung saan ang bida ay “immortal.”
-----$$$--
PUWEDE bang mag-suggest ng “wakas” sa serye ng Batang Quiapo?
Parang awa n'yo na—total ending na, patayin n'yo na si Tanggol!!
----$$$--
Marami na ang nalululong sa online gambling.
Ang gobyerno mismo ang “sulsol.”
-----$$$--
Pero, may nagsasabi, nag-ugat ang pagdarahop ng Pilipinas at posibleng pagkabangkarote nang palayasin ang “POGO”.
Nawala ang POGO, nawala rin ang sigla ng ekonomiya sa Metro Manila.
----$$$--
ISINISISI ang paglaganap ng krimen sa POGO, imbes sa pulisya.
Hampas sa langaw, latay sa kalabaw!!
Binaril si Juan, si Pedro ang namatay!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments