top of page

Onli in da ‘Pinas lang yata na mga rich, trapo at political dynasty may sariling partylist

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 16
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Apr. 16, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SEN. IMEE AT CONG. CAMILLE, NAGPAENDORSO KAY VP SARA AT PATUNAY IYAN NA SABLAY ANG ‘ALYANSA’ PARA SA PAGBABAGO NI PBBM -- Kabilang sina Sen. Imee Marcos at Las Piñas City Rep. Camille Villar sa 12 senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ng Marcos administration, pero ang dalawang ito (Imee at Camille) ay nagpaendorso kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na kalaban sa pulitika ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).


Patunay iyan na sablay ang ibinibida ni PBBM na “Alyansa” kasi nga tuluyan nang kumalas sa line-up ng Marcos admin ang mismong ate ng presidente, at ang pagpapataas ni Camille ng kanyang kamay kay VP Sara ay tila indikasyon ito na kakalas na rin siya sa “Alyansa” senatorial line-up ni PBBM, period!


XXX


ROYINA GARMA FEELING CLASSY, SA TATE PA GUSTONG MAG-APPLY NG ASYLUM -- Humihirit si retired police officer, former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ng asylum sa United States of America (USA) dahil ginigipit daw siya ng Marcos admin.


Aba’y feeling classy pala itong si Royina, kasi mantakin n’yo, sa dinami-dami ng bansa sa mundo, ay sa Tate pa gustong mag-apply ng asylum, boom!


XXX


ONLI IN DA ‘PINAS LANG YATA SA MUNDO NA ANG MGA RICH, TRAPO AT POLITICAL DYNASTY MAY SARILING MGA PARTYLIST -- Ibinulgar ng “Kontra-Daya” na mahigit daw sa kalahati ng 155 na tumatakbong partylist ay hindi kumakatawan sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.


Ibig sabihin, ang halos kalahati ng 155 partylist ay kumakatawan sa mga rich, trapo (traditional politicians) at political dynasty.


Hay naku, onli in da ‘Pinas lang yata sa mundo na ang mga rich, trapo at political dynasty ay may mga sariling partylist, mga buset!


XXX


‘KIMBERLY GANG’ WALANG RESPETO SA MAHAL NA ARAW -- Bukas ay Huwebes Santo na, at sa next day ay Biyernes Santo naman.


Sa dalawang araw na ito (Huwebes at Biyernes) ay dapat pabantayan nang husto ni Commissioner Bienvenido Rubio ang mga daungan ng Customs kasi sa panahon na iyan sinasamantala ng “Kimberly Gang” ang magpuslit ng mga smuggled product dahil ang mga smuggler na involve rito (Kimberly Gang) ay walang respeto sa “Mahal na Araw,” period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page