Oks lang bumoto sa homeowners’ association sa pamamagitan ng proxy

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 12, 2021
Dear Chief Acosta,
Nalaman ko na nitong nakaraang eleksiyon ay pinayagan ng aming homeowners’ association na bumoto ang ilang mga miyembro ng aming asosasyon sa pamamagitan ng proxy voters. May karapatan ba silang gawin ito? – Rima
Dear Rima,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 16 ng Republic Act (R. A.) No. 9904, o mas kilala sa tawag na The Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations, kung saan nakasaad na:
“Section 16. Proxies. – Association members may vote in person or by proxy in all meetings of members. Proxies shall be in writing, signed by the member and filed before the scheduled meeting with the association secretary. Unless otherwise provided in the proxy, it shall be valid only for the meeting for which it is intended, no proxy shall be valid and effective for a period longer than three (3) years at anyone time unless earlier revoked by the member.” (Binigyang-diin)Sang-ayon sa nabanggit, maaaring bumoto ang miyembro ng homeowners’ association sa pamamagitan ng proxy kung siya ay magpapasa ng pirmadong dokumento para rito, sa association secretary, bago ang kanilang eleksiyon. Ibig sabihin, may karapatan ang inyong homeowners’ association na payagan ang inyong mga miyembro na bumoto sa pamamagitan ng proxies basta’t sila ay nagpasa ng nabanggit na dokumento sa association secretary bago ang inyong eleksiyon.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments