top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

Oil companies, tiba-tiba na naman ngayong Agosto, DOE dedma?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 23, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TILA HINDI TATANTANAN NG MGA GURO SA BATIKOS SI USEC. CLAIRE CASTRO – Parami nang parami ang mga gurong bumabatikos kay Malacañang spokesperson at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro kaugnay ng sinabi niyang minsan daw ay may mga gurong nagtuturo para mawalan ng modo ang mga estudyante.


Tila yata hindi tatantanan ng mga guro sa pagbatikos si Usec. Castro hangga’t hindi ito humihingi ng sorry sa mga titser ng bayan. Period!


XXX


BULOK ANG JUSTICE SYSTEM SA PINAS KASI KAHIT NO-BAIL ANG KASO, BASTA'T MAY PERA AT MAIMPLUWENSYA ANG NAKASUHAN, PINAPAYAGANG MAKAPAGPIYANSA – Ang kasong plunder at malversation of public funds through falsification of public documents (with strong evidence) ay parehong no bail. Kaya lang, kapag mapera at maimpluwensya ang nakasuhan ng mga ganitong kaso, nagagawang makalaya sa pamamagitan ng piyansa.


Ganyan kabulok ang justice system sa ’Pinas kaya ’yung mga mandarambong sa kaban ng bayan ay ayaw maglubay sa pagnanakaw ng pera ng bayan. Tsk!


XXX


NANAHIMIK NA SI SEN. ALAN CAYETANO PERO SI SEN. LACSON, AYAW PA RIN MAGLUBAY SA PAG-ATAKE SA KANYA – Ayon kay Sen. Ping Lacson, sinimulan na raw ng Office of the Ombudsman ang pag-iimbestiga sa mga umano’y katiwaliang kinasasangkutan ni Sen. Alan Cayetano na may kaugnayan sa mga infrastructure project sa Taguig City. Akala ng publiko, tapos na ang bangayan ng dalawang senador dahil nanahimik na si Sen. Cayetano. Pero hindi pa pala, dahil ayaw pa ring maglubay ni Sen. Lacson sa pag-atake sa senador na taga-Taguig. Boom!


XXX


BAGO MATAPOS ANG BUWAN NG AGOSTO, MAY OIL PRICE HIKE NA NAMAN KAYA TIBA-TIBA NA NAMAN MGA OIL COMPANIES AT BUWAYA SA DOE – Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na bago matapos ang buwan ng Agosto 2026 ay magkakaroon muli ng oil price hike na dagdag na P2.23 sa kada litro ng diesel, P1.40 sa gasolina at P1.51 sa kerosene.


Dahil d’yan, masasabing tiba-tiba na naman ang mga oil companies at mga “buwaya” sa DOE. Mga buset!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page