OGIE, HINAMON ANG TATAY NI LIZA NA MAGLABASAN SILA NG BAHO
ni Beth Gelena @Bulgary | December 8, 2023

Naglabas ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa umano'y buradong post ng ama ni Liza Soberano.
Sa naturang post, minura umano ng ama ni Liza sina Cristy Fermin at OG D, na ang tinutukoy daw ay si Ogie Diaz.
Nagbanta pa raw ito na magla-live na tila may isisiwalat tungkol kay Ogie.
Si Ogie ang dating manager ni Liza sa loob ng sampung taon bago ito napunta sa management ng grupo nina James Reid.
Sa bagong uploaded video ng Showbiz Update ay tinalakay nina Ogie, Mama Loi at Ate Mrena ang tungkol sa umano'y buradong post ng ama ng aktres na si Mr. John Soberano.
Inamin ni Ogie na siya ang OG D na tinutukoy sa buradong post ng ama ni Liza.
Pagtataka ni OD, bakit ito nagagawa ng ama ni Liza gayung hindi naman napag-uusapan ngayon ang anak nito?
"Pinakialaman namin buhay n'yo, Daddy, recently? Ang pinag-uusapan na ngayon at pinag-uusapan ng buong mundo ay 'yung pagtatapos ng relasyon ng KathNiel. Asan ka roon? Asan ang anak mo ru'n? Ikaw magsabi, nasaan?"
Dagdag pa nito, "Ba't siya magla-live, ito nga, binura niya, eh, 'yung kanyang announcement na siya ay magla-live.
"Ako, wala akong dapat ikatakot kung anuman 'yang ila-live mo. Hihintayin ko 'yung pagla-live mo, Daddy John, at hintayin mo rin 'yung aking sagot sa magiging live mo... Du'n lang ako dedepende."
Nagbigay na rin ng mensahe si Ogie sa ama ni Liza na sana'y pag-usapan na lamang nila ang kung anumang hinaing nito sa kanya lalo na at naging alaga naman niya sa loob ng isang dekada ang anak nito.
"Diyos ko, Daddy, ang dali mo namang makalimot. Mag-iisa-isa ba tayo, mag-e-enumerate ba tayo ng nagawa nating kabayanihan sa isa't isa? Gusto mo ba ganu'n? Eh, di isama mo 'yan sa life mo. "'Di naman ikaw ang nakatrabaho ko. 'Di naman ikaw 'yung inalagaan ko.
"Unang-una, Daddy, gusto ko kayong ibalik sa nakaraan...
"Si Liza lang talaga ang nagtaguyod sa inyo. Ikukuwento ko pa ba 'yung mga sinabi ni Liza noong araw?
"Ni hindi ka nga marunong magpasalamat. I'm sure nakakarating naman sa 'yo 'yung pagsuporta namin sa pelikula ni Liza kahit wala na sa akin.
"Minsan, isinusumbat ko 'yun pero para maggaganito ka, aba, sandali lang. Marami kaming nasasabi na magaganda tungkol kay Liza, ano? May post ka ba ng pasasalamat?
"Daddy, 'wag ako. Kasi kung may alam ka tungkol sa 'kin, mas marami akong alam tungkol sa 'yo. Kung gusto mo lang na magbulatlatan tayo rito.
"Kung gusto mo akong kausapin, Daddy, puwede mo akong kausapin. Bakit hindi? Open na open ang aking linya ng komunikasyon. Kung may mga sama ka ng loob sa akin, sabihin mo.
Baka malay mo nga, tama ka. Eh, di ihingi ko ng sorry. Kung hindi naman, at wala kang punto sa mga kinukuda mo, sandali lang. O, di marami akong lilinawin sa 'yo," mahabang resbak ni Ogie Diaz.





Comments