top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Obligasyong sustento ng anak sa kanyang magulang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2021
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 23, 2021



Dear Chief Acosta,


Nawalan ako ng trabaho kaya hindi ako nakapagpadala ng pera sa aking ina na nasa probinsiya. Sinabi ng nanay ko, sinusustentuhan daw siya ng aming kapitbahay na mayroong tindahan kapag wala siyang makain. Maaari bang hingin sa akin ng kapitbahay na iyon ang katumbas na halaga ng sustentong kanyang ibinigay? – Erick


Dear Erick,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 206 ng Family Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“Article 206. When, without the knowledge of the person obliged to give support, it is given by a stranger, the latter shall have a right to claim the same from the former, unless it appears that he gave it without any intention of being reimbursed.


(Binigyang-diin)


Malinaw na sinasabi ng nabanggit na batas na ang kapitbahay ng inyong ina ay may karapatang hingin mula sa inyo ang katumbas na halaga ng sustentong kanyang ibinigay sa inyong ina, maliban na lang kung ibinigay niya ito nang walang anumang intensiyong mabayaran.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page