Obiena, winasak ang national record, 2nd sa Wanda League
- BULGAR
- Aug 30, 2021
- 2 min read
ni VA / Gerard Arce - @Sports | August 30, 2021

Naitala ni EJ Obiena ang maituturing na best-ever performance niya sa pole vault mayapos muling i-reset ang hawak niyang national record pagkaraang tumapos na pangalawa sa Paris leg ng 2021 Wanda Diamond League sa Stadium Charelty kahapon. Nilampasan ni Obiena ang dating record na 5.87 meters na nakuha sa Irena Szewinska Memorial Cup sa Poland bago ang Summer Olympic Games, kung saan nagtapos ito ng 11th place finish nito lamang Agosto matapos matalon ang baras na itinaas ng 5.91 meters
Pumangalawa siya sa Tokyo Olympics gold medalist at world record holder na si Armand Duplantis ng Sweden na nakatalon ng 5.96 meters. Nangibabaw pa ang 25-anyos na Pinoy Olympian nang matalon nito ang nasabing taas sa kanyang unang attempt. Dito na nag-passed ang mga pinakamahigpit na mga katunggaling sina Duplantis at Christopher Nilsen ng US kaya itinaas ulit ang baras sa 5.96 meters kung saan ang Swedish ang nagwagi matapos na mag-passed si Obiena sa kanyang final attempt habang umayaw naman si Nilsen.
Tinangka pa ni Duplantis na sirain ang kasalukuyang world record na 6.19 meters ngunit hanggang 6.01 meters lamang ang kanyang naitala. “I felt good. I felt like it was really important for me to come back and try to get into the victory mode again, to try to get over the 6m. Especially after the competition in Lausanne. It was very important to do what I did today,” pahayag ni World record holder at champion na si Duplantis na sinubukan muling sirain ang kanyang personal at world record na 6.15 (outdoor) at 6.18 (indoor) sa pagsubok na makuha ang 6.19 meters. Inaasahang muling sasabak ang dating University of Santo Tomas engineering student-athlete sa Brussels Diamond League sa Setyembre 3 na susundan ng Zurich Diamond League sa Setyembre 8-9 sa Germany.





Comments