top of page

Obiena, naka-ginto uli sa Germany, Tolentino, King of the Hardcourt

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 30, 2022
  • 2 min read

ni VA / MC - @Sports | August 30, 2022



ree

Muling nagwagi ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena, sa pagkakataong ito sa True Athletes Classic na ginanap sa Manforter Stadio sa Leverkusen, Germany.


Nagawang matalon ni Obiena ang baras na may taas na 5.81 meters noong Linggo ng gabi sa kanyang ikalawang attempt para makamit ang gold.

Ang panalo ang ikatlong sunod na podium finish ni Obiena kasunod ng kanyang pagwawagi sa 26th Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany noong nakaraang linggo at third place finish sa Athletissima Lausanne Diamond League noong Biyernes.

Tumapos na pangalawa at pangatlo sa kanya sina Rutgar Koppelaar ng Netherlands at Kurtis Marschall ng Australia na kapwa rin naka-clear ng 5.81 meters ngunit tinalo ni Obiena sa count back.

Ang iba pang tinalo ni Obiena ay sina hometown bet Bo Kanda Lita Baehre (5.73m), Sondre Guttormsen ng Norway (countback)., Norweigian pole vaulter Simen Guttormsen at German pole vaulter Oleg Zernikel na nabigong makausad mula sa starting height na 5.43 meter.


Samantala, bagong King of the Hardcourt si Neil Tolentino ng Arellano sa Hanes 1-on-1.


Dinaig ng masipag na Chiefs forward si University of the Philippines' Mark Gil Belmonte, 6-3, sa finale at angkinin ang trono noong Sabado sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.


"Thankful ako kay God kasi pangarap ko makabalik sa college at nabigyan ako ulit ng chance mara makaakyat sa pro," saad ng transferee mula sa University of the East na nakapag-uwi ng P20,000 cash prize.

Agad na lumamang ang 24-anyos na si Tolentino sa 6-2 lead sa nalalabing 1:28 minuto sa oras at samantalahin ang mga errors ni Belmonte na umiskor ng freebies sa final minute pero sumablay sa desperadong tres sa buzzer. Magandang panimula ito para sipagin pa ang Kapampangan banger sa paglalaro niya sa first season sa Arellano.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page