top of page

12th title sinungkit ng SMB; Fernandez trophy finals, MVP kay Fajardo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 minutes ago
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 1, 2026



Oftana at Heading ng Trioang 5G - PBA

Photo: Nagporsige sa pag dribble papalapit sa undergoal si Talk N Text Tropang 5G Kelly Williams habang bantay sarado naman si Rodney Brondial ng San Miguel Beermen sa kanilang pag papa abot sa game 6 ng PBA Philippine Cup Finals best of seven series sa Mall of Asia Arena, Pasay City. ) - Sinikap na makapag basket ni San Miguel Beermen center June Mar Fajardo sa kabila ng mahigpit na depensa ni Brondon Ganuelas-Rosser ng Talk N Text Tropang 5G sa ilang bahagi ng aksyon sa PBA 50th Season Philippine Cup game 6 finals best of seven series sa Mall of Asia Arena, Pasay City. (Reymundo Nillama



Walang duda sa determinasyon ng defending champion San Miguel Beermen at matagumpay na nanatili ang korona sa Game Six ng 2025-26 PBA Philippine Cup Finals sa 92-77 panalo sa TNT Tropang 5G Linggo ng gabi sa punong MOA Arena. Nagwakas ang seryeng best-of-seven, 4-2, para sa ika-12 titulo ng Beermen sa itinuturing na pinakamatimbang sa tatlong tropeo ng liga.


Napiling pinakaunang tumanggap ng Ramon Fernandez Finals MVP si June Mar Fajardo. Ito ang kanyang ika-limang Finals MVP at ang tropeo ay iginawad ni Fernandez mismo.


Sinimento ni JMF ang kanyang karapatan sa karangalan sa 29 puntos at 23 rebound. Double-double din siya sa lahat ng laro sa serye kahit hindi siya napiling Best Player sa unang tatlong panalo ng SMB.


Dala pa rin ang positibong enerhiya mula sa 96-82 tagumpay sa Game Five, ipinasok ng SMB ang unang 12 puntos at inabot ng anim na minuto bago naka-shoot ang Tropa. Lumaki ito sa 26-5 subalit hindi basta sumuko ang TNT.


Mag-isang itinala ni Calvin Oftana ang unang 13 ng pangalawang quarter para lumapit, 23-26. Nagising ang SMB hanggang bumanat ng four-points si CJay Perez at ibalik sa 43-33 ang bentahe.


Nagbunga na rin ang tiyaga ng Tropa at natikman ang nag-iisang bentahe, 68-66, sa walong sagot na puntos. Kinontra ito ng 12 puntos ng SMB para isara ang pangatlong quarter, 78-68.


Tuluyang gumuho ang kampanya ng Tropa. Bumira ng mga pandiin na buslo sina Marcio Lassiter, JMF at Rodney Brondial para maging 89-73 papalapit sa huling dalawang minuto.


Umani ng suporta si JMF kay CJAy Perez na may 19. Double-double din si Brondial na 15 at 13 rebound.


Nagtapos na may 28 si Oftana. Sumunod sina Jordan Heading na may 14 at Poy Erram na may 11.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page