North Korea, nagpakawala ng hinihinalang ballistic missiles
- BULGAR

- Apr 19
- 1 min read
ni Lulet Abania @World News | April 19, 2026

Photo: File
Nagpakawala ang North Korea ng hinihinalang ballistic missiles, na minarkahan bilang pinakabagong paglulunsad ng Pyongyang upang mas palakasin umano ang kakayahan ng kanilang militar, ayon sa Japan ngayong Linggo, Abril 19.
Ang insidente ay ang ikapitong ballistic missile launch ng North Korea ngayong taon at ang ikaapat nitong Abril lamang.
“As the US is focused on Iran, the North sees this as a golden time to upgrade their nuclear power and missile capability,” saad ni Lim Eul-chul, isang professor sa Kyungnam University.
Gayunman, wala pang inilalabas na pahayag ang South Korea’s Defense Ministry hinggil sa insidente.
Ang hakbang na ito ay itinuturing na paglabag sa UN Security Council resolutions laban sa missile program ng NoKor, at nakikitang dagdag-bigat sa rehiyon sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa Korean Peninsula. Batid ding kinokondena ng United Nations at iba pang organisasyon sa buong mundo ang ganitong uri ng aksyon dahil sa banta sa seguridad at kapayapaan, at nananatiling hamon ang usapin ng denuclearization.





Comments