top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

12 patay, 300 sugatan... Pag-atake sa Riyadh Airport, 3 Pinoy nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
1 min read

by BRT @Overseas News | October 11, 2026


Pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia - Al Jazeera

Photo: Pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia - Al Jazeera



Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga Pilipinong nasugatan sa pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh, Saudi Arabia, ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac nitong Linggo, Oktubre 11.


Ayon sa ulat, 12 katao ang nasawi at mahigit 300 ang nasugatan sa ikatlong pag-atake sa paliparan ngayong linggo.


Tinamaan umano ng missile ang airport complex, kabilang ang mga Terminal 3 at 4 na ginagamit para sa mga domestic flight.


Sinabi ni Cacdac na dalawa sa mga Pilipinong biktima ang kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng isang ospital sa Riyadh. Hindi pa inilalabas ang kanilang pagkakakilanlan at iba pang detalye tungkol sa kanilang kondisyon.


Tiniyak naman ng DMW ang tulong sa mga apektadong OFW habang patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa Philippine Embassy sa Riyadh para sa mga bagong impormasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page