top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Nilibre sila sa bakasyon sa US… PAMILYA NI JULIA, BOTONG-BOTO KAY GERALD

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2024
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 25, 2024




Inip na inip na ang mga fans kung kelan magpapakasal sina Gerald Anderson at Julia Barretto lalo't bumilang na rin ng ilang taon ang kanilang relasyon.


Kamakailan ay nakunan ng pahayag ang Ate Dani Barretto ni Julia hinggil sa pagpapakasal ng nakababatang kapatid kay Gerald. 


Ayon dito, wala pa raw immediate plans sina Julia at Gerald hinggil sa wedding kahit pa magtu-27 na this year ang kanyang kapatid. 


Naalala siguro ng mga fans ang sinabi noon ni Julia na may plano siyang mag-settle down at the age of 26.


“Pero kasi, may mga goals pa kasi sila (ni Gerald Anderson), na gusto nilang ma-hit or magawa bago pa nila ‘yun maisip and they’re still enjoying. So, parang ‘wag n’yong i-pressure, Diyos ko naman, mahaba pa,” ang natatawang sabi ni Dani.


Bilang ate, sinabihan niya si Julia na i-enjoy muna nila ng BF ang lahat. 


Pagbabahagi pa niya, "JuRald are enjoying each other’s company so well."


Kasama nila si Gerald nang magbakasyon ang buo nilang family sa States.


“They’re just happy living life, going on adventures, so siguro, parang enjoy-in lang muna nila ‘yun,” pahayag pa ni Dani. 


Nasabi rin nito na her sister would end up with Gerald.


“Oo, kasi swak din siya sa family ko, eh. Parang swak talaga siya sa family namin and we adore him. He’s a great guy and I think, ‘yun ang hindi nakikita ng tao sa side of him.


That he’s such a generous, he’s so kind,” wika pa ni Dani. 


Pagbubulgar pa ni Dani, si Gerald ang nagdala sa kanila sa US. 


"The actor is really generous with his time and exerts effort for the family," papuri niya sa aktor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page