Netizens, todo-bati sa GF… JERIC, DEDMA LANG NA MAY BAGONG SERYE SI RABIYA
ni Nitz Miralles @Bida | January 16, 2024

Positive ang pagtanggap ng Kapuso fans at viewers na si Rabiya Mateo ang gumanap na Maria Makiling sa afternoon series ng GMA-7 na Makiling.
Kahapon lumabas si Rabiya bilang diwata ng Mount Makiling. Ipinost niya sa kanyang Instagram account ang photo niya as Maria Makiling at nakakatuwa ang comment sa caption niyang “Ako si Maria Makiling.”
Pati mga kapwa artista ay nag-comment, pero bakit daw ang boyfriend ni Rabiya na si Jeric Gonzales, walang comment?
Dapat daw maging proud si Jeric na si Rabiya ang napiling gumanap na Maria Makiling dahil siguradong tatatak sa tao ang role, karakter at pangalan niya.
Magandang follow-up daw ito sa Royal Blood kahit hindi pa alam kung matagal ang labas ni Rabiya o kung pabalik-balik ang kanyang karakter sa series nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.





Comments