top of page
Sharlene San Pedro - IG.jpg

NDA at BAI, magkaagapay sa regulasyon ng industriya ng gatas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 1, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


May partikular na ahensya po ba ng gobyerno ang namamahala para sa paggawa ng polisiya at pagpapalago ng industriya ng paggawa ng gatas (dairy industry) sa ating bansa? Nais ko lang po ito malaman dahil may mga kakilala po akong nagtatrabaho sa nasabing industriya? Salamat po. — Boss Alvin





Dear Boss Alvin,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 8 ng Republic Act (R.A.) No. 12308 na kilala rin sa tawag na “Animal Industry and Competitiveness Act,” na nagsasaad na:


“Section 8. National Dairy Authority. -The NDA shall be the central policy and developmental body for the Philippine dairy industry. Its regulatory functions, including its power to issue and impose safety regulations on the dairy industry, shall be transferred to the Bureau of Animal Industry (BAI) regulatory office.


The NDA shall be strengthened as the food safety certifying agency for local dairy industry chain including, but not limited to, micro, small, medium and all other commercial dairy processing plants and other entities engaged in dairy activities, whether in whole or in part. The NDA shall be mandated by the BAI and the Food and Drugs Administration (FDA) to provide testing and accreditation services over all local dairy activities and products from primary production up to post-market product distribution.”


Ayon sa nabanggit na probisyon na batas, ang National Dairy Authority (NDA) ang itinalaga bilang central policy at developmental body ng Pilipinas para sa industriya ng paggawa ng gatas. Kung kaya, ang mga tungkuling pangregulasyon nito, kasama ang kapangyarihan na maglabas at magpataw ng mga regulasyon sa kaligtasan sa industriya ng paggawa ng gatas ay inilipat sa Bureau of Animal Industry (BAI). Ang NDA ay pinalakas bilang ahensyang nagsesertipika sa kaligtasan ng pagkain para sa lokal na dairy industry chain kabilang ang, ngunit hindi limitado sa mga micro, maliliit, katamtaman at iba pang mga planta ng pagproseso ng komersyal na paggawa ng gatas o iba pang mga indibidwal/organisasyon na nakikibahagi sa mga aktibidad ng pagawaan ng gatas, maging buo man o bahagi.


Ang nasabing batas ay ipinatupad base na rin sa polisiya ng gobyerno na itaguyod ang nasabing industriya at ganap na empleyo batay sa maayos na pag-unlad ng agrikultura at repormang agraryo sa ating bansa. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng pagbuo ng mga industriyang lubos at mahusay na gumagamit ng mga yamang-tao at likas na yaman, na mapagkumpitensya sa parehong lokal at dayuhang pamilihan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page