NBA Towns, namayat sa sakit sa lalamunan; 9 PVL imports, abangan
- BULGAR
- Oct 5, 2022
- 1 min read
ni VA / MC - @Sports | October 5, 2022

Mabilis na bumagsak ang timbang at pumayat si Minnesota Timberwolves center Karl-Anthony Towns matapos magkaroon ng impeksyon sa lalamunan noong nakaraang linggo at nang ilang araw.
Ayon sa ulat, nagdulat ang impeksyon ng problema sa paghinga ni Towns, 26, at sinabi niya sa media na pinayagan lang lumabas makaraan ang dalawang araw at dumalo sa team event.
“Nagpapagaling pa ako at patuloy na bumubuti ang kalagayan,” sabi ni Towns sa mga mamamahayag sa Minneapolis. “Mayroong mga bagay na dapat unahin kaysa sa basketball lalo na kung may sakit."
Sinabi niya na ang sakit, na iniulat na walang kaugnayan sa COVID, ay naging dahilan upang siya ay bumaba sa 231 pounds, mula sa kanyang nakalistang timbang na 248.
Samantala, halos dalawang buwan na ang lumipas mula ng magkampeon ang Creamline sa Invitationals matapos gapiin ang guest team KingWhale Taipei sa final, nagbabalik na muli ang aksiyon sa Premier Volleyball League (PVL) sa pamamagitan ng pagdaraos ng 2022 Reinforced Conference.
Ilan sa dapat abangan sa conference ang pagbabalik ng koponan ng F2 Logistics, ang kauna-unahang laro ng bagong koponang Akari bukod pa ang pagpapakita ng husay at talento ng siyam na hard-hitting imports na Sina Laura Condotta (Army), Prisilla Rivera (Akari), Odina Aliyeva (Choco Mucho), Tai Bierria (Cignal), Yeliz Basa (Creamline), Jelena Cvijovic (Chery Tiggo), Lindsay Stalzer (F2), Elena Savkina (PLDT), at Lindsey van der Weide (Petro Gazz).
Pormal na magsisimula ang Reinforced Conference sa Sabado-Oktubre 8.
May apat na venues ang napiling pagdausan ng Reinforced Conference na kasama ang Santa Rosa Sports Complex sa Laguna, PhilSports Arena sa Pasig, Ynares Center sa Antipolo at Mall of Asia Arena sa Pasay.








Comments