top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

NBA star Fil-Am Clarkson, lalaro na naturalized player sa Gilas

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2022
2 min read

ni VA / MC - @Sports | July 22, 2022





Maglalaro na sa national team ang NBA star na si Jordan Clarkson bilang isang naturalized player. Ito ang kinumpirma ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.


“Yes, he has already confirmed his availability,” ani Reyes, na siya ring program director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. “We have word that he’s coming,” dagdag pa ni Reyes, na umaasa ring makakapaglaro rin si Clarkson sa FIBA World Cup sa susunod na taon.


“Clarkson will be playing as a naturalized player.” Kung sakali, ito na ang ikalawang pagkakataon na maglalaro ang 6-foot-4 na si Clark, ang 2021 Sixth Man of the Year ng National Basketball Association bilang manlalaro ng Utah Jazz kasunod ng paglalaro nya sa Jakarta 2018 Asian Games kung saan tumapos ang Gilas na panglima.


Makakalaban ng Gilas ang Lebanon sa 4th window ng FIBA qualifiers sa Agosto 25 at Saudi Arabia sa Agosto 29. Pagkaraan ng unang tatlong windows ng qualifier, ang Gilas ay may patas na 2-2 rekord.


Samantala, agad na humingi ng paumanhin si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa lahat ng fans matapos ang maagang pag-exit sa 2022 FIBA Asia Cup nang talunin ng Japan sa playoff para sa quarterfinals berth noong Martes ng gabi.


Hindi umubra ang mga Pinoy sa Japan nang matalo sa 102-81 at malagay lang sa Top 8 first time mula 2007, nang magkasya ang national team sa 9th sa torneo.


Iyon ang resulta na hindi nila gusto, kaya pang-unawa na lang ang hinihingi ng Gilas.


"Well, obviously the result is not what we wanted and we're very sorry that we've disappointed a lot of our countrymen, the Filipinos," ani Reyes sa post-game press conference.


Sinabi ni Reyes na pawang mga bata pa ang team at first time naglaro sa FIBA Asia Cup, pero ang karanasan na kanilang sinuong sa torneo ang mga bagay na makatutulong sa kanila para sa progreso ng Gilas kalaunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page