top of page
Atasha Muhlach as Annie Batungbakal - IG.jpg

Generals nagpasuko para sa 1st win vs. SSC Stags 

Writer: BULGAR
BULGAR
20 hours ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | September 30, 2026



Generals nagpasuko para sa 1st win vs. SSC Stags 

Photo: Nagpumilit na tumirada ng pagbasket si Jude Bagay ng Emilio Aguinaldo Generals kahit pinagkumpulan sa mahigpit na depensa nila Markus Dimaunahan, Niel Castor at iba pang mga kakampi nito sa SSC Stags sa NCAA Season 102 Men's Basketball elimination games sa FilOil Centre, San Juan City kahapon. Wagi ang Generals kontra Recoletos, 94-87. (Reymundo Nillama)



Napulot ng Emilio Aguinaldo Generals ang pinakaunang tagumpay sa NCAA Season 102 Men's Basketball sa bisa ng 94-87 resulta sa San Sebastian Stags kahapon sa FilOil Centre. Naghahanap pa rin ng panalo ang kulelat na Stags sa Grupo B.


Nagbanta ang SSC-R, 87-90, bago ang huling 2 minuto. Hindi na pumuntos ang Stags at nagpasok ng paniguradong buslo si Best Player Wilmar Oftana at mga free throw ng mag-utol na Marvin at Harvae Raymundo.


Malakasang simula na naka-angkla kay Jacob Shanoda at Marvin at pinagpatuloy ng mga reserba Joseph Nunag at Harvae Raymundo ang nagbigay sa EAC ng 35-26 lamang matapos ang 10 minuto. Komportable pa rin ang Generals sa 78-68 papasok sa huling quarter subalit hindi basta tumiklop ang SSC.


"Kahit sino sa amin kaya pumuntos kaya ang mahalaga dumepensa," paliwanag ni Coach Jerson Cabiltes ng EAC. "Nakita ko sa ensayo na sobrang gusto na nilang manalo."


Nanguna sa Stags si Nurben Muktimar na may 12 at walang kakampi ang naka-10. Lumagpak sa 0-4 ang SSC-R na ranging koponan na hindi pa tumitikim ng panalo sa liga.

Mahalaga na umiwas na maging pinakahuli sa grupo. Ayon sa bagong patakaran ng NCAA, twice-to-beat na ang play-in ng ika-4 at ika-5 mula sa knockout lang noong nakaraang torneo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page