top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

NBA, may booster shots; Denver Jokic, suspended

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio / MC - @Sports | November 11, 2021





Inatasan ng NBA ang lahat ng players, coaches at referees na magpa-booster shots kontra sa COVID-19.


Sa statement sinabi ng NBA na sumailalim ng boosters shots ang nagpaturok ng single-dose Johnson & Johnson vaccines. Kailangan umanong magpaturok ng boosters shots ang mga nakatanggap ng vaccine matapos ang dalawang buwan.


Ginawa rin ng NBA ang rekomendasyon sa mga nakatanggap ng Pfizer at Moderna vaccines na anim na buwan na ang nakakaraan ay dapat na ring sumailalim sa booster shots.


Ayon sa NBA, sa natanggap nilang impormasyon, bumababa umano ang efficacy o bisa ng antibody levels para sa Pfizer at Moderna recipients pagkalipas ng anim na buwan habang dalawang buwan lang daw sa mga naturukan ng Johnson & Johnson.


Daraan umano sa game day testing sa COVID-19 simula December 1 ang lahat ng manlalaro na nabigyan na ng vaccines pero ayaw magpa-booster shot.


Matatandaang bago magsimula ang bagong season ng NBA, nasa 97% ng mga players ang pinaniniwalaang nagpabakuna na.


Samantala, pinatawan ng isang larong suspensyon na walang sweldo si MVP Nikola Jokic ng Denver Nuggets matapos siyang palabasin na may 2:39 pa sa laro bunga ng pagtulak ng malakas sa nakatalikod na si Markieff Morris ng Miami Heat noong isang araw.


Magmumulta ng $50,000 (P2.5M) si Morris dahil siya ang nagpasimuno kaya gumanti si Jokic habang ang kapwa-Heat na si Jimmy Butler ay $30,000 (P1.5M) ang multa dahil pinalaki ang gulo imbes na umawat.


Isang araw matapos dumalaw sa White House, pumunta ang World Champion Milwaukee Bucks sa Philadelphia 76ers at nauwi ang 118-109 tagumpay sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa Wells Fargo Center. Bumawi rin ang Utah Jazz ng panalo sa bisitang Atlanta Hawks, 110-98, salamat sa isa pang malakas na laro ni Gilas Pilipinas Jordan Clarkson.


Malinis pa rin ang Los Angeles Clippers sa limang laro ngayong Nobyembre at binigo ang bisitang Portland Trail Blazers, 117-109.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page